Dalawang malalakas na sampal ang tumama sa mga Pinoy sa panahon ng pandemya dahil sa mahigit na P63 bilyong hindi ginamit na pondo sa Bayanihan 2 – kasama ang P46.397 bilyon na “undisbursed” at P17.23 bilyong “unobligated,” ayon kay Senador Panfilo Lacson nitong Lunes.
Isiniwalat ito ni Lacson matapos ang pagsasaliksik ng mga naturang datos bunga ng unang akusasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na sinabi umano ng mambabatas na mababa ang paggugol ng pamahalaan sa mga pondo nito ngayong pandemya.
“We should keep in mind that underspending is determined not by fund releases but by obligations and disbursements. And based on my research, is there underspending? Yes!” banggit ni Lacson sa panayam ng Radyo 5.
Read in ENGLISH: Double Whammy for Pandemic-Hit Filipinos: Lacson Details P63B ‘Unspent’ in Bayanihan 2
Continue reading “Kabilaang Sampal sa mga Pinoy na Hirap sa Pandemya: P63B ‘Underspending’ sa Bayanihan 2 Funds, Idinetalye ni Ping”