Bukod sa baboy at manok, nawawalan ng bilyon-bilyong piso ang gobyerno kada taon dahil sa katiwalian sa pag-import ng isda at iba pang produktong dagat.
Isiniwalat ito ni Senador Panfilo Lacson sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Committee of the Whole tungkol sa iregularidad sa produktong agrikultura.
Kinwestyon ni Lacson ang malaking pagkakaiba sa datos ng World Trade Organization (WTO) at Philippine Statistics Authority (PSA) tungkol sa pag-import ng isda at seafood mula 2015 hanggang 2020.
“The Department of Agriculture will have a lot of explaining to do. The discrepancies may mean there is a lot of misdeclaration, underdeclaration, or outright smuggling. There’s a pattern,” dugtong ng mambabatas.
Continue reading “Ping: Higit P1-B Nawawala Kada Taon sa ‘Smuggling’ ng Isda at Seafoods”