Ping: Hindi Porke’t 100 percent ‘Electrified’ ay Ayos Na

Hindi kasiguraduhan na ganap nang tapos ang pagpapailaw ng mga barangay ng Department of Energy, kahit sabihin nito na 100 porsiyento ng mga barangay ang may kuryente na.

Ito ang nabatid ng mga mambabatas na miyembro ng makapangyarihang Commission on Appointments sa pagtatanong ni Sen. Panfilo Lacson kay DOE Sec. Alfonso Cusi na sumalang sa kumpirmasyon.

Tinanong ni Lacson ang kalihim kung ilang porsiyento na ng mga barangay sa bansa ang napapailawan ng DOE, base sa datus na nakuha ng mambabatas na dapat noon pang 2008 ay nakumpleto na ito.

Related: Lacson seeks closer look at rural electrification picture

Tinugon naman ito ni Cusi ng isandaang porsiyento nang pagkakumpleto, pero mismong ang ibang miyembro ng CA ay magsalita at isiwalat na mismong sa kanilang mga nasasakupan ay mga lugar pang walang elektrisidad.

Dahil dito, iminungkahi ni Lacson na ayusin na muna ang datus na hawak ng ahensiya at ipaliwanag ito ng maayos sa muling pagsasalang ni Cusi sa komisyon sa susunod na linggo.

“Sitios are a part of barangays. We cannot say barangays are 100 percent powered if a few sitios in those barangays still have no power,” paalala pa ni Lacson kay Cusi para madala nito ang tamang datus sa muling pagsasalang.

Nauna rito ay isinulong ni Lacson ang Senate Bill 40, ang Budget Reform for Village Empowerment Act of 2016 (BRAVE), para mas magkaroon ng karapatan ang mga lokal na pamahalaan sa mga parte ng ma ito sa pambansang badyet taun taon.

Ayon pa kay Lacson, kahit maraming pondo ang isang barangay, kung wala naman itong maayos na suplay ng elektrisidad ay hindi rin makakalikha ng mga maaayos na proyektong tutulong sa mga mamamayan.

*****