Bagong Diskarte vs Karahasan at Terorismo, Itinulak ni Ping

Bunga na rin ng patuloy na pagtaas ng banta ng terorismo at iba pang karahasan, kumilos na si Senador Panfilo Lacson upang mapalakas ang kakayahan ng pamahalaan na labanan ang mga ito.

Ito ay sa pamamagitan ng paghahain ni Lacson ng Senate Bill 1734, na naglalayong gawing mas epektibo ang mga sistemang ginagamit ng gobyerno para mapalakas ang defense system ng bansa.

“This bill is envisioned to update national defense policies, principles and concepts, to institutionalize needed improvements and to codify various laws on national defense, the AFP and the civilian bureaus, with the end in view of streamlining and further professionalizing our country’s defense establishment,” paliwanag ni Lacson sa panukala.

Related:Β Lacson seeks to upgrade measures to fight terrorism, national security threats

View Fullscreen

Ilan lamang sa mga mahahalagang sangkap ng naturang panukala ay ang pagsasaayos pa sa procurement system ng Department of National Defense (DND), Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang sangay ng pamahalaan na ugnay sa pagtatanggol sa bansa laban sa terorismo at karahasan.

Taglay ng panukala ang probisyon na nagbabawal sa gobyerno na ipagbili o ibenta ang mga stratehikong lupain na pag-aari ng pamahalaan, maliban lamang kung aprubado ng Presidente ng bansa, kalihim ng DND at may basbas ng Kongreso.

Nakasaad din sa panukala na mas hihigpitan pa ang pangangasiwa sa mga upa sa mga lupain at strukturang pagmamay-ari ng pamahalaan at dapat na ipasok lamang sa AFP Modernization Act Trust Fund.

Sa ilalim ng naturang panukala ay hindi na rin umano kailangang sumailalim sa Government Procurement Law ang mga maseselang kagamitan at strukturang pandepensa ng bansa.

Nilalaman din ng panukala na puwedeng tumanggap ng donasyon o tulong na mga kagamitan buhat sa ibang bansa ang DND pero ito ay nakabatay sa mga umiiral na batas.

*****