Interview on DZBB | June 6, 2018

In an interview on DZBB, Sen. Lacson answered questions on:
– Bagong Senado
– need for a ‘designated survivor’

Quotes from the interview…Β 

On claims that the new Senate building may cost P10-12 billion instead of P4.58 billion:
“Ang figure na sinabi ko na figures based on fact. Ang kay Mr. Tiglao, based on opinion. So paano ka makikipag-argue (sa) kanya, opinion na meron pang ‘basta’ sa dulo? ‘Basta ito ang figure ko, wala kang magagawa.'”
Hindi ko alam where he’s coming from kasi sabi ko mahirap na sinagot ko na mali ang kanyang figures and all, ang kanyang kwenta, sagot niya, β€˜Hindi basta!’ Alam mo, kung gusto mo tapusin ang discussion maski kanino, sabihin mo lang β€˜Basta!’, tapos ang discussion.

On whether any senator is opposed to a new building:
“Wala. Unanimous. Maski ang iba aalis na, Sen. Gringo and Loren, di babalik sa 2019, 2nd term na nila, at ang iba di nagiisip babalik sa 2022. Pero after the 3 years na respite. Pero sila di para sa amin ito, gusto ko stress kasi sabi nila masyado kaming selfish. Hindi. Para ito sa future generations of legislators and the Filipino people na rin kasi parang may maipagmalaki tayo na may sariling building ang ating parliament o legislature.”

On questions of practicality:
“We’re entering the second century dahil naka-100 years na ang Senado at wala pa kaming sariling bahay. Sabi ng kasamahan ko it’s about time bigyan ng kaunting dignidad ang ating Senado kasi pag dumadalaw kami sa ibang parliament nakakapanliit. At pag dumadalaw sila sa atin di namin malaman paano sila ililihis sa maamoy ang mabahong toilet, etc.”
“It’s self-liquidating. Kwenta ng staff at technical committee sa 15 years tapos ang rental namin sarili namin ang building wala na kaming binabayaran rental.”
“P4.58B against (other bids of) P8.5B, P13B, pinili ng kasamahan ko ang pinakamababa.”

On why Clark was not considered:
“Dalawa lang nag-offer, BCDA and Antipolo. Antipolo, donation 25 hectares pero na-consider namin accessibility and land development costs. Kung pagawa kami ng bldg. paano ka pupunta roon paano ka gagawa ng kalsada papunta roon? Papagawa ka ng kalsada papunta roon, papa-develop mo ang area, utilities and all. Ganoon din, baka mas mahal pa aabutin.”
“Di nag-offer ang Clark. Kung nag-offer ang Clark siguro considered seriously din kasi BCDA din ang Clark.”
“Tinanong namin ang BCDA. Pero ito in-offer nila kasi nariyan ang SC, SEC. SC nag-design competition, papagawa sila ng building. Natapos sila I think last year sa kanilang conceptual design competition. Di ko alam kailan sila magpapa-construct.”

On getting local over foreign contractor:
“Siyempre priority ang local. Ang gagawa nito DPWH, ia-outsource nila ang iba rito lalo ang ibang gamit pero DPWH yan. Babantayin namin. Kinausap ko ang nag-a-attend ng technical meeting, ang evaluation committee na taga-DPWH. Sabi ko at least ang Senate building, patawarin ninyo ito.”
“Priority talaga local contractors. At meron silang local partner ang AECOM, may opisina sila rito. At marami silang design sila sa buong mundo, kalat. Sa NY, World Trade. Marami silang ginawang building.”

On accessibility of the BGC area:
“Kinonsider din namin ang infrastructure development sa area. Kasi as per DPWH sabi nila mag-widen sila ng Lawton Avenue, Lawton Street. Kasi Navy Village ito dati. So magiging 6-lane road yan sa halip na 4-lane ngayon. At ang proyekto na ginagawa ngayon magkakaroon ng access from SLEX and Skyway kasi ginagawa ang ramp papunta sa C5. So yan ang factors considered.”
“Ang unang pinagpilian kasi Antipolo City, nag-offer si Mayor Ynares ng 25 hectares na libre, donation. Pero nang kinwenta namin, sa land development pa lang, sa land development pa lang mahigit sa cost ng lupa sa BGC aabutin. Di biro ang land development, infrastructure at roads leading to that area. Di ito mismo Antipolo City kundi suburbs, outlying area ng Antipolo City. So napakalaking infrastructure development ang aabutin at magiging inaccessible yan sa resource persons. Dahil karamihan galing sa NCR. Tinanong namin sa kanila, pag Waze mo 2 oras.”
“May contract kaming pinirmahan at nag-down kami ng P600M sa BCDA. At ito hulugan, 10 years to pay, may grace period pa. If I recall correctly even more than 10 years ang hulog. So ang kwenta ng aming staff, technical evaluation committee, ang hulog sa GSIS and SSS, in 15 years self-liquidating na. pagawa ka, sarili pa namin ang building. So ano ang mas practical?”

On traffic considerations:
“Sinabi namin yan kasi alam namin ang traffic ng sasakyan pati ng tao sa aming inookupa ngayon. Apaw eh. Lalo pag budget hearing abot sa Sofitel ang parking.”

On a possible increase in number of senators due to a shift to federalism:
“Naka-factor in yan, naka-ready ito for 64 senators, kasi yan ang projection. Halimbawa magkakaroon ng federal state aabutin ng 64 senators. Flexible ito doon, ang design pwede i-expand ang session hall, pati offices at number of employees and staff. Naka-design na expandable ito sa 64 senators kung matutuloy ang federalism.”
“Ang symbol, sabi namin kailangan iconic ito, ma-distinguish mo, easily distinguishable, Pilipino ito. So ang design nila ang gitna pinaka-araw at ang 4 na building yan ang 4 ray at ang pagitan kasi may passageways, yan ang 4 pang rays. So araw na may 8 rays.”

Bird’s nest or Barong Tagalog?
“Ang design may vertical gardens, may park. Ang illumination di masyadong kailangan gumamit ng kuryente. Ang exterior parang Barong Tagalog ang design. Yan ang symbol nito. Kaya sabi nila parang bird’s nest pero actually ang sinundan nilang design, iba sa video ang actual, lalabas parang Barong Tagalog ang disenyo.”

On future generations of senators benefiting from new building:
“Matatapos ito sa 2021 first quarter. Ang mananalo ng 2019, titira na sila riyan. Ang aalis ng 2019 at matatalo, e resource person na lang sila kung saka-sakali.”

On preventing overprice and possible problems with COA:
“Ang aming ginagawa natin dito, every step of the way ang instruction ko sa staff mag-coordinate kayo sa COA, kailangan alam ng COA every step of the way na ginagawa natin, para ang restriction and limitations di natin magawa. Kailangan mag-compliance.”
“Kaya napili ang AECOM, kasi pasok siya sa 40-50K cost per square meter na cost ng construction.”

On safety from quakes:
“Nag-coordinate kami sa Phivolcs. Ang fault line is 3 km sa west. Sabi ng Phivolcs safe kayo riyan. Tapos pati ang soil liquefaction and erosion na-factor in lahat yan. Lahat ito complete study.”

On accommodations for detainees cited in contempt:
“Kasama rin yan. Kumportable naman.”
“Don’t count on it (that a detainee’s stay will be enjoyable). One fact of life, everything is relative. So maski sabihin nating maginhawa e kung ang sitwasyon na darating di ba, lahat sa mundong ito is relative.”

On the symbolic 8 rays, vis-a-vis possible legislation increasing the number in the PH flag to 9:
“Kung na-build ito even na-enact ang law, ito na ang symbol. Marami tayong buildings na nakaayon sa simbolo ng 8 rays of the sun. So alangan ba lahat yan magbago.”

On assigning a Designated Survivor in the Senate:
“Parang wala tayo niyan sa Constitution. Di ko alam, tinanong sa US kung fiction o totoo. Parang totoo, pag may gathering yung State of the Union Address, nagde-designate sila ng di kasama para kung sakaling ma-one time. It is worth considering. Kasi kung SONA tipon lahat doon.”
“I think sa pag-change ng Charter kung ma-adopt ang Charter change kailangan isama isang provision na may designated survivor.”

*****