Para sa isang sundalo, pinakamahalaga na magawaran siya ng Medal of Valor bilang kapalit sa pagtatanggol at kabayanihan sa bayan kumpara sa mabigyan ng mga materyal na bagay na katulad ng mga mamahaling relo.
Ito ang naging pahayag ni Senador Panfilo Lacson, Chairman ng Senate Committee on Public Order and Illegal Drugs, na naging pinakarespetadong pinuno ng Philippine National Police at produkto ng Philippine Military Academy.
Ang naturang pahayag ay inilahad ni Lacson sa mga mamamahayag sa Senado, ilang araw matapos na mabalita ang balak umano ng Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng relong tatak Rolex ang mga sundalong gagawaran ng Medal of Valor.
Related: Medal of Valor worth more than luxury watches
“To any soldier, a Medal of Valor is worth more than a hundred Rolex watches. Every soldier dreams of having one more than he dreams of owning a Rolex watch,” banggit ni Lacson.
Ayon kay Lacson, hindi basta-bastang nakakamtan ng isang sundalo ang Medal of Valor kung kaya’t ito ay itinuturing na sagrado at halos wala nang katapat na halaga ng anumang materyal na bagay.
“(The Medal of Valor is rarely given) not because the feat itself that qualifies anybody from getting it is extraordinary, but more so, the opportunity very rarely arises,” paliwanag pa ng mambabatas.
Ang Medal of Valor ay iginagawad lamang sa sundalo kinakitaan ng ibayong katapangan, sariling sakripisyo at kabayanihan para maipagtanggol ang bayan laban sa mga mapang-usig na puwersa.
Sa ilalim ng umiiral na batas, ang mga sundalong nagawaran ng Medal of Valor ay awtomatiko rin na pagkakalooban ng P20 libong karagdagang benipisyo buwan-buwan maliban pa sa suweldo o pension kung retirado na.
Tungkulin din ng pamahalaan na i-empleyo ang mga biyudo o biyuda ng mga ito kung kuwalipikado kapag ang sundalong nagawaran ng nabanggit pagkilala ay namatay habang gumaganap sa tungkulin.
*****
Hindi naman po sinabing relo lang ang ibibigay… Dagdag lang po yung relo bukod sa Medalya… for consideration and appreciation lang po yun relo…
Syempre mas importante pa rin ang medalya…