
Hindi dapat kay Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Ma. Sison nakatutok ang gobyerno sa pakikipagusap sa rebeldeng komunista upang makamit ng bansa ang napakatagal nang hangad na kapayapaan.
Idiniin ito ni Senador at dating Philippine National Police chief Panfilo Lacson matapos magpakita ng malinaw na indikasyon ang Malacanang ng muling pag-upo sa negotiating table sa usapang pangkapayapaan.
Kabilang sa mga positibong hakbang ng Malacanang ay ang pagbuo ng panel na makikipag-usap sa mga rebelde, partikular sa mga hindi nakikinig kay Sison.
Ayon kay Lacson, matagal na niyang isinusulong ang nabanggit na sistema kasama ang localized peace effort para direkta umanong makakakapagpalitan ng kondisyones ang magkabilang grupo.
“Such a move is long in coming. I have always believed that this is the better way to deal with the five-decade insurgency problem,” pagbubunyag ni Lacson.
Related: Lacson: High Time Gov’t Went Beyond Joma in Talking to Communist Rebs
“I have been batting for localized peace talks and in fact strongly suggested the same to former Peace Adviser Jesus Dureza and Labor Secretary Silvestre Bello III in one committee hearing of the Committee on Peace and unification chaired and presided by Sen. Gregorio Honasan II,” paliwanag pa ng mambabatas.
Sa mga nagdaang administrasyon, naging sentro lamang ng pakikipag-usap ng mga kinatawan ng pamahalaan partikular sa CPP-NPA sa mga pinuno nito na ang karamihan ay nasa ibang bansa pa kaya hindi nakamit ang mga mithiin ng mga nagsusulong ng kapayapaan.
Pero sa ngayon ay balak ng Malacanang na isulong ang localized na peace talks, may basbas man o wala si Sison.
Ayon kay Lacson, mas makatuwiran pa umano sa pamahalaan na gawing instrumento ang mga local government units sa mga lugar na mahina ang NPA para maituon ng pulis at militar ang kanilang lakas sa mga lugar na tukoy na balwarte ng grupo.
“So it is better that governors and mayors and other LGU officials be the ones to talk to local communist guerrillas, under the guidance and direction of a government peace panel that will provide the parameters for such localized peace talks but with enough flexibility in handling such peace initiatives,” ani Lacson.
Ayon din kay Lacson, wala nang kontrol si Sison sa NPA sa kabila ng sangkaterbang kondisyones na inilalatag niya para ituloy ang usaping pangkapayapaan.
“Experience has shown that while Sison asks for a ceasefire and government accommodates his request, NPAs continue conducting ambushes and raids. This shows Sison no longer has control over the NPA’s armed regulars,” banggit pa ni Lacson.
*****