In an interview on DZBB, Sen. Lacson answered questions on:
– China’s ‘cabbage strategy’ in the West Philippine Sea
– potential issues surrounding ‘joint investigation’ of Recto Bank incident
Quotes from the interview…
On potential issues about a ‘joint investigation’ into the Recto Bank incident:
“Nag-express lang tayo ng apprehension kasi may umiiral sa UNCLOS may sovereign rights tayo sa Recto Bank. Kung papayagan natin ang joint investigation, parang effectively nagsha-share tayo ng concurrent jurisdiction. Baka maapektuhan ang ruling noong 2016 sa The Hague na sinasabi ang Recto Bank ay part ng 200 nautical miles na EEZ. So meron tayong sovereign rights over Recto Bank. Dapat tayo ang may jurisdiction doon. Yun lang naman.”
“Ang aking panawagan lang, kung di mapipigilan ang pagsagawa ng joint investigation with China, i-address lang ang issue na yan clearly doon sa kung meron silang gagawing terms of reference, o kaya anong agreement, liwanagin lang na hindi natin wine-waive ang ating sovereign rights over the Recto Bank.”
“Sovereign rights. Hindi natin pwede sabihing may sovereignty tayo roon, ang sovereignty ang nag-a-apply sa 12 nautical miles. Pero sovereign rights nag-a-apply sa 200 nautical miles. At ang Recto Bank napakaliwanag ng arbitral ruling, ang Recto Bank within the 200 nautical miles EEZ.”
Apprehension natin… bakit tayo mag-share ng investigation (kahit may third party)? Una, ang fishermen natin ang naagrabyado. Pangalawa, naroon tayo sa loob ng EEZ natin. Bakit tayo mag-share ng investigation? Mag-imbestiga tayo ng sarili natin at kung tanggapin ng China o hindi, ibang usapan na yan. Pero para mag-share pa tayo ng jurisdiction sa pagsasagawa ng investigation, yan ang ating inaalala on the possible implications. Ang sabi kong implication, baka parang ang interpretation mangyari wine-waive natin ang sovereign rights natin over Recto Bank.”
On whether investigation should focus on sinking, abandoning of Filipino fishermen, or both:
“Pareho. Ang kung sinadya ba o aksidente. Pero mas importante formally ma-determine of course alam natin na iniwan kasi na-rescue sila ng Vietnamese fishermen. Pero kailangan formalize pa natin by way of a formal finding sa investigation na sila inabandona ng nakabangga o bumangga sa kanila. Ang medyo hindi pa malinaw rito, kung sadyang binangga o aksidenteng nabangga. Malinaw na lumalabas dito pero kailangan pa rin lumabas sa formal na investigation, ang pag-abandona na isa ring criminal act.”
On PH government response on the incident so far:
“Kulang at malamya. Alam naman natin ang attitude ng Pangulo na matigas, maski pare, maski European countries, Canada, mga ibang issue. Kung ikukumpara natin yan, relatively speaking, malamya at kulang na kulang ang tugon ng ating Pangulo mismo rito.”
“Ang ma-speculate lang natin siyempre, inaalala ng Pangulo, may economic reason dito. Pilit niya i-preserve ang bilateral relations natin sa China. Ayaw niya mabawasan ang magandang goodwill kasi nasimulan na niya ito. Pero at what cost? Ang tanong natin ano ba mas matimbang? Yung of course pareho yan sa kapakanan ng ating mga kababayan. Pero ang reason dito ano ba mas matimbang, an gating sovereign rights o economic upliftment ng ating kababayan? Alam na natin ang sagot doon siyempre.”
On China’s ‘Cabbage Strategy’ at WPS:
“At mag-aral tayo sa kasaysayan. As early as 2014 sinabi na ang China may cabbage strategy sila sa WPS. Wrap nila ang islands, layer by layer, until such time napakahirap nang maabot. Sa kanila nanggaling mismo yan. May isang military expert sila Maj Gen Zhang Zhaozhong, sinabi niya ano ang kanilang gagawin sa WPS. Sabi nila ang ninakaw sa atin kailangan ibalik sa atin. Paniniwala nila sa kanila lahat yan. Panatag Shoal, Scarborough Shoal, lahat sa kanila. So military strategy nila, cabbage strategy kung saan ide-deny nila. Sabi ng military general na ito, pagka deny mo supply ng tubig at pagkain ang mga naroon, alam nila kakaunti ang tropa natin sa ilang isla.”
“Kung ito gugutumin natin, tatakutin natin, magugutom at mauuhaw, pag alis niyan hindi na babalik yan. So kung hindi nakikita ng ating pamahalaan, ng opisyal natin sa gobyerno sa executive branch, na itong nangyari sa Recto Bank ay posibleng part ng cabbage strategy ng China, tayo na may kasalanan dahil unti-unti parang urong tayo ng urong, sila naman sulong ng sulong. At layer by layer, binabalot nila ang mga isla na ito para mahirap natin mapasukan at maging kanila na. So dapat mag-aral tayo ng kasaysayan at magmasid tayo ano mga pronouncement. Pinagmalaki pa ito ng military expert, ito strategy natin diyan, ang tawag nila, cabbage strategy.”
“Balot ng balot hanggang mahirap na. at kung meron tayong iilang tropa roon pag di dinatnan ng tubig at supply at pagkain aalis yan. At … hindi na babalik, atin na yan.”
*****