Interviews on DZBB, DZRH: Faeldon Testing Closeness to the President | Sept. 3, 2019

In interviews on DZBB and DZRH, Sen. Lacson answered questions on:
– onion-skinned, thick-faced, and callous public officials
– actions Malacanang can take after Senate hearing
– BuCor chief Faeldon testing closeness to President Duterte

QUOTES and NOTES:Β 

On findings from first Senate hearing:

“May mga na-establish clearly sa pagdinig kahapon. Una, si Sanchez talagang napirmahan ang release order in spite of earlier denial ni Faeldon. At hanggang huling sandali na nagkaroon ng pagdinig tumatanggi pa rin siya na may pinirmahan siyang release order. At maski nakumpronta siya ng dokumento mismo maliwanag release ng person deprived of liberty that is Antonio Sanchez, dine-deny niya pa rin pero established na yan. Pangalawa ang pagka-release ng convicts sa Chiong sisters na-establish din maliwanag napakawalan na four days before pinirmahan ang kay Sanchez. Pangatlo ang mga butas sa RA 10592 nakita rin doon at yan ifa-follow through ngayong umaga kung ano ang pwedeng remedy. Mismong si Sec Guevarra mungkahi niya kailangan talagang rebisitahin ang batas eh.”

“Mahirap paniwalaan (si Faeldon) kasi maliwanag naman na nahuli talagang nakapagpirma siya sa release order tinatanggi pa niya pilit na hindi pa rin ito. E yun na nga ang release order tapos sinasabi niyang ina-attempt niyang i-stop. Kasi kung in-attempt talaga niya i-stop ang paglaya ni Sanchez, bakit niya pinirmahan ang release order?”

On Faeldon’s refusal to resign because he claims he is doing a good job:

“Unang una, ang bottom line, ang may poder, ang may kapangyarihang mag-hire and fire ang Presidente ng Pilipinas. Pwede rin siyang mag-recycle. Pero ang mga public officials may kanya-kanya ring pananaw. May onion-skinned, may thick-faced, meron ding mga callous. Pero hindi rin natin mapipilit eh. Depende sa tao yan na nasa sentro ng kontrobersya. Kung medyo balat-sibuyas yan, agad-agad sasagot yan na pinagiisipan ko po actually na mag-resign para ma-save ang institution. May mga ganoon. Pero pagka naman medyo makapal, ang sagot niya ituturo niya ang nag-appoint. Parang ang message niya, ginagalang ko ang inyong pananaw pero wala kayong karapatan magsabi sa akin mag-resign. Parang ganyan ang mensahe.”

On recommendations to amend the laws on GCTA:

“Ang in-amend natin dito ang Revised Penal Code. May article, Art 29 and Art 97 ng RPC na-superimpose ito ng Sec 1 and Sec 3. Yan kasing isang provision at sinasabi roon ang preventive imprisonment walang bail at ikaw nakulong na, kabilang na yan sa pagkukuwenta ng GCTA. Ang isang Section, 97, hindi binibilang. Sabi niya upon conviction so pag affirmed ng SC, doon lang uusad ang pagkwenta ng GCTA. Nang inamendahan ito hindi niliwanag kaya nagkagulo-gulo so yan ang dapat siguro liwanagin.”

“Lalong gumulo pa nang ginawa ang IRR. Kaya kailangan talagang ayusin.”

“Yan pa isa (naging open to abuse ang batas) dahil nagkaroon ng maraming interpretation na pwedeng tama o maling interpretation.”

“Siguro sa pagdinig ngayon dapat tumawid na kami sa resolution ng mga butas sa batas. Yan ang dapat matalakay ngayon. Kasi na-establish ang pagkukulang at violation na nagawa sa pagpapalaya ng mga bilanggo.”

“Kasama sa responsibility ng BRC kasi nag-de-deal ito sa malfeasance, misfeasance and accountability. So sa recommendation doon lalabas. At harinawa ang Malacanang ay nanonood at nakikinig at sinusubaybayan ang pangyayari para gumawa rin sila ng karampatang aksyon panig ng Executive.”

On allegations of GCTA for sale:

“Maraming information galing sa loob na talagang pera-pera ang labanan. Pero how to prove it is another thing. Alam mo naman na kung preso gagawin mo para magsalita naroon pa sila halimbawa hindi sila makapagbayad tulad ng sinasabi ni Sen Risa may kausap siya na walang kakayanang magbayad kaya hanggang ngayon hindi sila nakasama sa GCTA. Pero malay natin baka may gustong magsalita sa nakalabas o mga nagbayad na hindi nakalabas. Tingnan natin kung ano ang magde-develop.”

“Kung kukumpara natin sa na-release sa ilalim ng iba’t ibang administration nila, lumalabas kay Faeldon 816 sa loob ng 10 buwan, sa 81 per month ang pinapa-release niya. Ang pinaguusapan natin heinous crimes pa lang yan di pa kasama ang ibang reclusion perpetua na kaso.”

On whether convicts released via GCTA can be recaptured:

“Ang isang suggestion na lumabas nang nagkatipon-tipon kaming senador sa lounge after pagdinig, pwedeng gawing test case sa Chiong sisters pa, na pwedeng ipahuli yan and then gusto nila dumulog sila sa SC kwestyunin nila. Yan ang pwedeng isang gawin. And I hope may initiative ang executive branch kasi sila ang implementor, at sa pamamagitan ng PNP, gawin nila ang pag-aresto ibalik sa kulungan at kung kwestyunin ng SC doon magkaalaman kung marapat bang ibalik o hindi. May pinakita si FMD kahapon na jurisprudence although matagal na yan, ang Tan case, may prosecutor nag-order i-rearrest ang pinalaya. Na-suspend siya ng SC so meron tayong pinanghahawakan sa batas kasi pag nagkaroon ng ruling ang SC nagiging part of the law of the land na yan.”

On Faeldon testing closeness to President Duterte:

“Sumagot na rin siya kay Sen Risa kahapon. Toss niya ang bola sa Pangulo, bahala raw ang Pangulo sa kanya. So it is now a big challenge kay PRRD kung anong aksyon ang gagawin niya. Kasi parang tingin ko tine-test na ni Faeldon ang closeness niya sa Presidente sa sagot niya kahapon na ipapaubaya niya sa appointing authority.”

“Si (PRRD) naman nakikinig tulad sa budget. Kami sumulat si SP vineto niya ang P95B. So sa ganoong nakita namin posibleng kung magkaroon ng recommendation ang Senado as a body, papakinggan niya naman.”

*****