#PINGterview: Supplemental Budget, Other Options for Slashed 2020 Calamity Funds

In a phone patch interview on DZBB and GMA News TV, Sen. Lacson discusses a possible supplemental budget and other options to make up for the P4B cut in the 2020 calamity fund.

QUOTES and NOTES:

Tracing the P4B cut in 2020 calamity funds:

“Mahirap ma-trace yan. Kung natatandaan mo, pagka Todos los Santos nag-iipon tayo ng kandilang natutunaw, hinahalo-halo natin, parang bola yan. Ang nangyayari ganoon kasi sa BCC. Sa halip na alisin natin ang P4B sa NDRRMF, ang disaster risk reduction and management fund, kasi naka-lump sum yan P20B.”

“Ang pinaguusapan doon, alisan natin ng P4B dito, P3B doon, P5B dito, P6B dito, hanggang maka-ipon. Kung nakaipon sabihin na nating P70B, o ito ang ating naka-float, dito na tayo kukuha kung anong anong gusto nating insertions. Ganoon ang nangyayari kasi kaya hindi mate-trace kasi kung ang P4B ang tinanggal sa NDRRMF agad, nilipat sa isang distrito o maraming distrito, kita agad natin yan, ang paper trail. Pero walang minutes ang BCC. Walang minutes yan, talagang usapan lang yan, walang record, walang nagmamasid. Kaya ako I’m always fighting for a transparent and open discussion ng BCC ng 2 Houses.”

Reason for P4B slash in calamity fund:

Ang narinig kong basehan, dahil may naiwan sa 2019 na mga P11B. Sabi nila medyo malaki yan, kasi kung P20B plus P11B, nasa mga P31B. Pero ang problema, pinagaralan na ng Malacanang yan. Pag nag-submit sila ng NEP, alam na nila, in-estimate nila, may projection sila. Hindi natin mapo-project ang kalamidad. Walang nakakahula ng earthquake. Baka in a few days pero sa isang taon di mo mapo-program kaya ito ine-estimate na lang kaya naglagak sila ng P20B at alam ng Malacanang na may P11B ang unexpended.”

“Pero isipin din natin ito sa national. Ang bawa’t LGU, may inilalagak mula sa kanilang regular sources ng revenues, IRA man o kaya ang local revenues, naglalagak sila, mandated sila ng batas na maglagak ng 5%. Sabihin natin ang Batangas, ang kanilang budget for 2019, nasa mga P3.9B. So ang kanilang LDRRMF, local disaster risk reduction and management fund, naglagak sila ng P183M. Now, meron silang MOOE, at lahat. So ang naiwan sa provincial DRRMF, nasa mga P55M. Pero hindi lang lang yan. Kasi under the law, ang RA 10121, ang National Disaster Risk Reduction Management Act, ang nakalagay roon, ang pondo sa calamity fund ang nakalaan doon, witihin 5 years hindi nagagalaw. So kung may P180M for 2019, bibilang pa uli ang 2018 to 2015 kasi walang kalamidad sa Batangas. So ang 5-year period sa batas yan ay ilalagay sa special fund para ma-address ang biglang calamity.”

‘Additional’ funds from previous years:

“Kailangan nila (Batangas), mahigit P183M, meron silang paghuhugutan kasi ang nakaraang 4 taon pa, naroon pa rin yan sa special fund nila para sa kalamidad.”

“(Ang P11B na natira sa budget ng 2019), dapat mabalik yan sa National Treasury kung hindi nagamit pero nagpasa ng batas ang Kongreso at pinirmahan ng Pangulo, ine-extend ang buhay ng 2019 budget hanggang Dec 31, 2020. So nariyan pa ang P11B pwede pa rin gamitin at idagdag sa 2020 budget para sa calamity fund na naiwang P16B. So magkakaroon, meron tayong P27B na pampondo para sa calamity fund para sa 2020.”

‘Mabuti na ang sobra kesa kulang na calamity fund’:

“Alalahanin natin, maraming earthquake sa Mindanao. Tapos yun ding ang baha noong nakaraan, Marawi rehab. Pag sinabi nating disaster, man-made at nature. So hindi pa tapos ang gastusin ng national government sa kalamidad na nakaraan. Patuloy ang paggastos doon. So hindi pa rin advisable na binawasan ang P20B ng P4B. Kasi hindi lang itong Taal na di ine-expect na mangyayari sa 2020. Marami pa ring dapat tugunan ang pondo, ang calamity fund, na nakaraang disasters.”

Supplemental budget, other options:

“Medyo mahirap (i-trace ang P4B na tinanggal). Ang magagawa na lang diyan, kung halimbawang talagang kapos na kapos ang budget, magpapasa kami ng supplemental budget. Pero may requirement yan. Medyo mahirap, may mga requirement yan. Kailangan may certification ang National Treasurer na may cash may pondo, pera talaga. Or magpapasa ng revenue measure para roon. Tapos alam natin ang regular process ng legislation may debate yan at interpellation at lahat, at may bicam uli.”

“Pero sa tingin ko naman, sa ngayon kung titingnan natin, hindi sa ayaw natin tulungan ang local government, pero kung binasa natin ang RA 10121, makikita nating may pondo pa ring nakalaan para sa disaster ang bawa’t LGU. Ang IRA sa 2018, ito lang available na data, P575B. Ito ang pinagparte-paretehan ng LGUs. At ang 82 provinces sa ngayon meron silang share sila ng P132B, hati-hati depende sa population, geographical areas at income. So ang Batangas, ang IRA nila for 2019 nasa mga P3B. So total budget nila, annual budget for 2019 pumalo ng P3.9B. Malaki naman. Of course nakakaawa dahil ang bayan-bayan na tinamaan may sariling budget. Hanggang barangay level. Pero ang tinamaan maliit na bayan ito, ang IRA nila maliit. So dapat ayudahan ng provincial government out of their calamity funds na sinabi kong nasa P183M para sa 2019, ayudahan nila ang mga mga tinaaan kasi obligasyon nila yan.”

“(Bago magamit ang calamity fund, dapat mag-declare state of calamity) para magamit nilang mabilis. Sa ilalim ng batas may Quick Response Fund. 30% ng calamity fund doon ilalagak naman. Kung P180M ang calamity fund ng Batangas, maglalaan sila ng 30% para sa QRF, na yan ang tutugon sa madaliang pag-evacuate, paggawa ng evacuation centers, provisions. Tulong-tulong yan mula national, local, provincial, municipal hanggang barangay, meron silang talagang nakalagak na pondo riyan. May pera naman diyan. Kaya ito ang dapat tingnan ng joint congressional oversight committee ng both houses kasi may sunset provision na dapat i-revisit ang batas sa pamamagitan ng pagdinig na gagawin ng joint congressional oversight committee para sa calamity funds.”

Ang bottom line pa rin, mali pa rin ang pagkaltas ng P4B. Parang toothpaste na lumabas na sa tube. Mahirap ibalik.”

*****