In a phone patch interview on DZBB and GMA News TV, Sen. Lacson cites the possibilities after the Visiting Forces Agreement, including possible intervening events that could ‘undo’ its abrogation.
QUOTES and NOTES:
Critical 90 days; Intervening events that can ‘undo’ VFA abrogation:
“Halos wala na (tayong magawa para masalba ang sitwasyon sa VFA). Dahil na-notify na, may formal notice na eh. So talagang abrogated na. Nagbibilang na lang ng araw, 180 days, unless may mag-intervene na event. Halimbawa nagkaroon ng petition nag-rule ang SC at halimbawa hindi nag-concur ang 2/3, di nakakuha ng 2/3 sa Senado. Ibig sabihin deemed hindi abrogated. Maski in-abrogate ng Pangulo kasi kung magkaroon ng ruling ang SC, hindi matutuloy.”
“Meron pa tayong 180 days; ang countdown, matatapos Aug 9. Pero ang timetable nito maski 180 days formally talagang wala na, mga August ito. Pero ang critical dito, ang first 90 days. Kasi siyempre, ito ang period kung saan magsisimula nang mag-pullout ang US kung ano man ang equipment and facilities nila rito, ang tropa nila rito, sisimula nila, tatapusin nila yan ang first 90 days ng 180 days.”
“Ito ang estimate kung saan ma-implement ang pullout nila, magsisimula na silang mag-pullout. Kaya kung halimbawa magkaroon ng pagbabago, although na-notify na ang Washington, hindi naman ibig sabihin noon tapos na ang lahat dahil sabi nga natin, kung halimbawang sa SC maghain ng petition ang senador o maski sinong taxpayer at mag-rule ang SC, ibig sabihin may possibility ang Senado hindi mag-concur sa abrogation so hindi matutuloy yan. Kaya sinabi kong critical ang first 90 days para hindi ituloy ang pullout ng US ng equipment at facilities nila rito.”
“(Ang) VFA, pag na-abrogate and it has already been abrogated, magiging paper treaty na lang ang MDT. Kung di man nila terminate on their own, unilaterally, at maski nariyan yan, paper treaty na lang yan, hindi na sila mag-implement kasi ang VFA ito ang legal protection ng tropa nila eh. Ang isang example, may joint military exercises. Magkamali ng lagay sa missile at sumabog yan at may mga namatay na sundalong Pilipino at sundalong US, sa ilalim ng VFA parang di absolute pero protektado sila, walang criminal liability ang kanilang tropa pag may nangyaring ganoong insidente. Ngayon tanggalin mo yan, mag-aatubili o hihinto ng US ang kanilang, di nila isasapalaran ang troops nila na narito, military personnel nila, kung walang legal protection. Ang legal protection nanggagaling sa VFA.”
“Sa tingin ko dapat tayo mabahala. Kasi naked na tayo eh. Parang inuna nating maghubad bago tayo naghahanap ng damit. Di ba dapat tayo nariyan na ang damit naka-ready na, pag magbibihis tayo? Ang nangyari sa atin ngayon, naghubad tayo, saka pa lang natin hahanapin ang damit na isusuot natin. Yan ang for lack of a better analogy, yan lang ang naisip ko. Naked na tayo ngayon, naka-expose tayo, saka tayo maghahanap ng cover. Dapat kung ganito rin pala ang attitude natin, nagsimula na tayong nakipag-negotiate sa ibang bansa para nang sa ganoon kung natatapos ang VFA ang ating tratado with the US, meron tayong nakalatag man lang. Meron tayong SOVFA sa Australia.”
Relevance of the VFA to ordinary Filipinos:
“Kung magkagulo-gulo (dahil sa terorismo at ibang banta), apektado rin ang kakainin natin sa hapag kainan.”
“Of course may practical na dahilan din kung bakit ang VFA nagbe-benefit ng bansang Pilipinas. Hindi directly hapag kainan kundi sa maraming bagay. Ang intelligence information sharing, laban natin against terrorism, external threats, marami. At ang financial aid, assistance na binibigay na on account of the VFA at saka ang MDT na umiiral, maraming napapakinabang. Katunayan, nang tinanong namin ang military tungkol dito, mula 1998 umabot sa $1.3B mahigit ang naipadala sa PH patungkol dito. Hindi ito lahat assistance, ang iba rito financing dahil minsan sa foreign military halimbawa, malaking discount. Minsan nga hati eh. At ang air assets ng PAF napakalaking bagay. Malaking impact ito dahil karamihan ng air assets natin galing sa US katunayan may darating na dalawang C130. Ang tanong, ano ang mangyayari sa maintenance and repair ng mga equipment na yan?”
Alliances with other countries:
“Hindi ganoon kabilis at ganoon kadali maghanap ng panibagong alliances lalo pa’t idadaan ito sa bilateral agreement. Mahabang negotiation ito between the 2 executive branches ng dalawang bansa, at pagkatapos dadaan pa ito sa Senado kasi naaayon sa Constitution, magkaroon ng concurrence ang ratification, 2/3 vote ang kailangan dito. Hindi naman siguradong mararatipikhan kung ano man ang kasunduan na papasukin ng ating gobyerno sa ibang bansa.”
“Yan (security) ang magiging kawalan natin. Para maghanap tayo ng similar alliances with other countries, mahabang panahon pa yan, hindi overnight mangyayari.”
“Open tayo sa lahat na options kaya lang sinasabi ko it does not happen overnight. Kasi series of back-and-forth na usapan at discussion, hindi ito ang mag-uupo sila sa isang upuan at tapos na. Inaabot yan ng buwan, minsan taon. Kasi siyempre, bansa natin, uunahin natin ang ating national interest, ang ating self-interest. Sila naman ganoon din, kaya medyo nagkakatagalan ng usapan pagka gumagawa ng treaties, dahil sa ganoon. Pinapairal siyempre at natural lamang yan na pairalin ang kanya-kanyang national interests. So nagkakatagalan. Tawaran ng tawaran yan.”
Possibility of Senate taking issue to Supreme Court:
“Oo (susuporta ako kung mag-file ng petition ang Senado sa SC). For clarification, mainam ma-clarify yan para alam na namin ang way forward namin pag may tratado na ira-ratify namin more or less mafo-foresee namin ang aming role pag ito unilaterally in-abrogate ng ating bansa sa pamamagitan ng executive branch, sa pamamagitan ng Pangulo.”
“Hindi naman (makikipagbanggaan sa Malacañang). Papa-clarify lang namin sa SC kasi silent ang Constitution. Parang bitin eh. Kailangan ng concurrence ng Senate pag nag-ratify, pero pag nag-abrogate ito ay unilateral lang sa executive branch, sa Pangulo ng PH. So parang ika-clarify lang namin, hindi ba logical lamang na kung kailangan nyo ang 2/3 vote namin, supermajority vote pag mag-ratify, pakiliwanag lang kung kailangan ang 2/3 vote pagka nag-abrogate. Yung concurrence, I mean, hindi ang kami mag-abrogate kundi concurrence.”
“Ibang usapan naman yan kasi institutional ito. Hindi ito under the administration of PRRD lamang. Ito ay magiging part ng batas. Kasi sabi nga natin, mali o tama ang ruling ng SC magiging part of the law of the land. So hindi lang ito magagamit dito sa ilalim ng administrasyong Duterte kundi sa susunod na henerasyon unless mag-reverse ang SC sa kanilang decision, baguhin nila. Pero yan ang mananatiling batas na, pagka mag-abrogate, kailangan ng concurrence ng supermajority vote ng Senado.”
“Hindi naman dapat pangunahan ang SC dahil may naka-pending na petition doon. Pero ang nilalaman ng petition hindi tungkol sa VFA kundi tungkol sa withdrawal natin sa ICC. Kaya nag-file sina Sen FMD doon at hindi pa nare-resolve yan. Pero maski ma-resolve ng SC ang issue na yan, I don’t think may direct effect yan sa VFA abrogation kasi magkaibang usapin yan eh. Ang petition nina Sen FMD doon, yun lang withdrawal mula sa ICC. At kung hindi nabanggit doon, kasi hindi pa napagusapan ang withdrawal sa VFA kaya di kasama sigurado sa petition.”
“Hindi pa namin napagusapan. Mga haka-haka ito, mga komentaryong sinasabing baka. Ganoon ang pananalitang binitiw ng SP, baka maghain ang mga senador ng petition sa SC para linawin. Although malinaw din sa Constitution hindi nakasaad na pagka termination kailangan ng concurrence. Ang sa Constitution lang, pag pumasok sa isang bilateral agreement o treaty kailangan ng concurrence. So hihingi lang ng kaliwanagan sa SC, hindi pa naman siguradong mananalo yan, pwede sabihin ng SC na hindi kailangan ng concurrence ng Senado. Pero mainam na ring ma-clarify yan para matigil na rin ang haka-haka at speculation tulad nito, para malinaw. Kasi pag naging part ng jurisprudence, ibig sabihin alam na ng legislative branch, alam ng legislative, ng Senado particularly, kasi hindi kasama ang HOR pagdating sa usapin ng ratification.”
“Depende sa language na gagamitin ng Senate pag nagkaroon na ng ruling. Kung sakaling ma-grant ang petition nina Sen FMD, depende kung masasaklaw ang ibang treaty. Pero sa tingin ko dahil hindi kinwestyon ang ibang treaty at ang kinwestyon lang ang withdrawal from ICC sa Rome Statute, baka yan lang ang gawan ng ruling ng SC. Although may tinatawag ang mga abogado na obiter dictum, baka magkaroon ng incidental opinion ang SC, na dahil sinabi nila, hypothetical, sabi ng SC kailangan talaga ng concurrence ng Senado kapag nag-terminate tayo ng treaty or bilateral agreement sa ibang bansa. Parang nagkaroon ng expression or opinion na incidental ang SC na pwede rin i-apply ito sa ibang treaty tulad ng VFA.”
Other aspects of PH-US ties affected?
“Remember, di ba dine-deliberate namin ngayon ang anti-terrorist act. So tumutulong ang US diyan, interesado nga sila dahil alam ko dahil sponsor ako, nagbibigay sila ng mga mungkahi sa provision kaya alam kong interesado sila riyan dahil laban din nila yan at gusto nila tayong tulungan para palakasin ang ating batas para labanan ang terrorism. Dahil ang terrorism, hindi lang PH ang sakop niyan, borderless yan eh.”
“(Ang economic ties, not necessarily affected) pero posibleng mangyari. Pag nag-retaliate ang US at in-expand isinama pati ang trade at ibang aspeto, hindi lang ang tungkol sa defense and security, tatamaan tayo. Kasi malaking trade partners, pinakamalaki if not the largest, isa sa pinakamalaking trade partners natin ang US. At kung magre-retaliate sila dahil sa ginawa natin, posibleng mangyari yan pero hindi ko sinasabing mangyayari. Nasa realm ng possibilities yan.”
“Depende sa liderato nila. Tulad natin depende sa liderato. Depende rin sa kanila yan kasi minsan pag binaltik ang Presidente ng US at siya naman ang chief architect ng foreign policy pwede mangyari yan. Kung hindi, maraming salamat. Hindi madadamay ang ibang aspeto ng ating being as a nation.”
“Depende nga sa attitude. Kasi ang defense secretary, si Esper, medyo pikon siya. Ang salita niya, papunta tayo sa wrong direction. If that was an indication of the attitude of the US especially ang defense department, medyo may tampo di ba? Pwede natin sabihing magkakaroon ng epekto maski papano. Although ang reaction ni President Trump, alam din natin si Trump, ang medyo mataas ang ego niyan. Hindi ang parang sasabihin niyang huwag naman, mag-usap tayo. Hindi ganyan ang persona eh. Alam natin siya pag ganoon iba salita niya kibit balikat lang, e di mabuti, makakatipid kami. Although hindi naman natin sigurado na yan talaga ang kanyang nararamdaman. Pero dahil ganoon ang kanyang personality, hindi siya ang parang, wala sa vocabulary niya ang maninikluhod o makikiusap. Bagkus sasabihin niya lang sige, kung ayaw ninyo e di huwag nyo. Dugtong pa nga, makakatipid pa kami, thank you. Sabi naman ni Sec Panelo, Welcome.”
Possible effect of VFA issue on Senate President Sotto:
“Matagal ko nang kilala si SP Sotto, ang national interest ang mas nangingibabaw sa kanya kesa sa position niya. Naka-ready siyang matanggal kung yan ang kinakailangan pero pagka alam niya national interest at sa paniniwala niya rightly or wrongly, hindi ko sinasabing tama ang kanyang pananaw sa national interest pero ako naniniwala akong tama ang kanyang pananaw. Pero kung ganoon ang nakataya kilala ko naman siya, yan ang mangingibabaw sa kanya so ganyan ang nasabi niya.”
“Hindi niya iniisip kung matatanggal siya as SP o ano. Pinakikita niya ang kanyang liderato, ang leadership niya sa mga senador. Of course, ganang nakapagbitaw siya alam kong galing sa sarili niya yan, at kung makita mo babasahin mo very carefully ang aming resolution expressing the sense of the Senate, that was very carefully worded, ang respeto sa desisyon ng Pangulo naroon. Hindi namin kinokontra kaya namin sinasabi roon, baka pwedeng i-review lang muna. Hindi naman namin pinangungunahan na huwag i-abrogate.”
“I don’t think so (na mapapatalsik si SP Sotto). I don’t think mangyayari yan. Kasi issue naman yan.”
“Hindi lang yan. Issue ang labanan dito, hindi naman ito ang personal na away na insultuhan. Halimbawa ang mga opposition kung batikusin si PRRD, personal na minsan. Ako mismo nagki-criticize ako pero issue ang tinatalakay ko lagi eh. Hindi naman ako namemersonal na sabihin kong ganito ka. Issue ang nakapaloob sa aking mga criticism. Masama ba yan? Palagay ko naman ma-appreciate din ng taong kini-criticize kung constructive ang criticism. Pero kung insulto na, ibang usapan na yan.”
*****