In an interview on DZBB/GMA News TV, Sen. Lacson cited the reasons for Senate Resolution 362, which sought the resignation of DOH Secretary Francisco Duque III for his “failure of leadership, negligence, lack of foresight and inefficiency in the performance of his mandate as DOH Secretary, resulting in poor planning, delayed response, lack of transparency and misguided and flip-flopping policies and measures in addressing the COVID-19 pandemic that endangered and continues to endanger the lives of our health care professionals, other frontliners, and the Filipino people.”
NOTES and QUOTES:
* SENATE RESOLUTION:
Factors that Prompted the Senate Resolution:
“Kahit hindi kami nagse-session, buhay na buhay ang aming teleconference kumbaga, formal or informal. Mostly mga policy issue ang dini-discuss namin doon at isa nga ito sa lumabas, naipon ng naipon lahat na issues simula pa nang nag-hearing kami sa unang contact tracing kung natandaan ninyo lumabas doon 17% lang ang na-contact sa mga pasahero ng Cebu Pac na sakay ang taga-Wuhan na siyang nagsimula ng lahat sa atin. Kasi noon wala pa naman tayo. Unang contact tracing at sabi ni Sen Bato, sabi niya ‘Sir Ping ako kaliwa kanan pipirma ako riyan kasi pinakamalaking issue sa akin hindi sana tayo aabot sa ganito kung naawat agad sa contact tracing at na-isolate agad ang mga pasahero.’”
“Kung babalikan natin, Dec 30 ang public market na-detect na sa Wuhan na may ganitong klaseng virus. Dec 31 sinara ang market. Jan 11 yan ang unang death. Jan 7 ang unang report na international WHO na yan, tapos Jan 11 yan ang unang may namatay. Tapos tayo naman, February na, March na, parang kulang na kulang, kapos na kapos ang dapat ginawa ng DOH. E nagapatuloy yan. Past na yan sa atin, nabigla tayo kasi novel coronavirus, di pa tayo ready. But as time went on dapat naka-ready na tayo, bakit kinulang ng PPE? Bakit hindi pinayagan ang rapid test kits? Samantalang pinaliwanag na ng medical expert na ang antibody test kits importante rin yan kasi pag positive ka roon virtual positive ka. Pag nag-negative ka pwedeng false negative. Di ba malaking tulong yan kasi mura at mas mabilis? E marami ngang wala pa resulta namatay na. E hindi natin alam.”
“Ang unang reaction pa niya (Duque), he threw all his subordinates under the bus. Ang tendency niya pinagsisisi ang tao niya, tinuro. Hindi lang tao niya, kundi ang CAAP at ang NAIA management. E harap-harapan doon so doon natandaan ko medyo napikon ako, sabi ko turo kayo ng turo, e may tinatawag tayong principle of unity of command. And health issue ito. Dapat you should have taken upon yourself na ikaw umakto rito, hindi ang turo ka ng turo kung kani-kanino. Kung babalikan natin ang background, ang kasaysayan, saan tayo nagsimula magkaroon ng hawaan? Galing sa Wuhan kasi doon nag-originate eh.”
“Kaya nakalagay sa introductory statement ng resolution, failure of leadership kasi turo ng turo. Ayaw umako ng responsibility. Tapos negligence, lack of foresight, sama-sama na roon. And then ang whereases, nariyan ang lahat na litany ng sins of commission and omission. Di pa nga namin naihabol ang kay Dr Avila kasi late na yan, nai-route na ang resolution nang dumating ang tungkol kay Dr Avila na official.”
“Ang ano namin dito, sobrang delay ang action taken na nako-compound ang problema. So yan ang mga issues na gumulong, huminog sa aming discussion sa aming majority bloc kaya nabuo ang decision na mag-file tayo ng resolution at bahala na si Sec Duque. Kaya sinadya namin hindi involve ang Pangulo kasi malagay siya sa spot.”
Why Minority Senators were Not Included:
“Ginawa ni SP, nag-uusap kami, sinabihan niya si Sen FMD, siya ang minority leader, inimbita namin ang minority bloc kung gusto nila mag-join sa pagpirma ng resolution. Ang sagot ni Sen FMD pass na muna siya. Siyempre siya naman ang leader ng minority. Ang presumption ni SP, yan na ang position ng minority bloc. So ni-route na lang ang draft ng resolution sa majority bloc kasi nga sinabihan si Sen Frank at sumagot siya pass muna kami.”
Arguments of Not Changing Horses in Midstream:
“Ang sagot namin ni SP, yung structure ng DOH nariyan, it stays. Hindi naman gagalawin. Ang analogy nga ni SP, basketball game, nagwawala at nagkakalat ang team captain mo, hindi mo ilalabas? Matatalo tayo. Sabi ko ang ganda ng analogy. Nang nagdi-discussion kami sabi ko kay SP ang ganda ng analogy niya kasi matatalo tayo sa virus kung ang captain ball, ang nagdadala ng team, medyo wala sa condition, nagkakalat.”
Not Just Issue of Health:
“Collective decision namin yan. Kami inaalala namin ang future. Remember, hindi lang health issue ito. Nagmula lang health pero ito prolonged lockdown natin ang dire implication nito sa buong ekonomiya. We are not yet in recession pero … kasi pag nag-lockdown tayo sa coronavirus walang gumagalaw. Our economy is closed for how many days already? Mahigit 1 buwan na. At nag-extend pa tayo, hindi gumagalaw ang manufacturing sector, hindi gumagalaw ang industrial sector, infrastructure sector. Walang gumagalaw. So hanggang saan makakaya ng gobyerno i-subsidize o bigyan ng doleout ang nawalan ng trabaho? Napakarami nito, hindi biro-biro ito. On top of the health concern, dapat titingnan din natin ibabalanse rin natin ang economic issue na involved dito.”
Curve Not Yet Flattened:
“Steady pa ang climb natin. Hindi pwedeng sabihiing flatten na ang curve, o wala pa tayo sa consideration na posibleng ma-flatten ang curve. At saka kaya mababa ang ating rate of infection pati death, kasi kakaunti pa na-test natin. Pag bumuhos ang testing natin bubuhos yan kasi medyo mataas ang rate natin ng infection kung base natin o denominator ang number of tests conducted. Ang masama rito pinagbabawal pa nila ang mga rapid test kits.”
“Napipikon din ang private sector, ang mga donors. Kaya natatandaan ko nang discussion namin sa Bayanihan Act, ako nag-insert ng amendment, Sec 4j, ang lahat na donation na health products, encompassing yan, PPEs, health kits, lahat. Kung donation ito, parang tingnan na lang natin, humingi ng certification from ang bansa, ang mga regulatory agencies nila basta reputable na ginamit nila ito at deemed approved na rito ng FDA. Ang nangyari, ilan pa lang ang test kits na na-approve? 10 na yata, pero ito dahil sa constant prodding. But initially ayaw nila mag-approve ng rapid test kit, e nakapag-procure na private sector. Sabi ng DOH i-donate nyo yan sa DOH lahat na donation dapat sa DOH. Ang problema nag-aalinlangan ang private sector. Kasi marami akong kilalang malalaking businessmen, napipikon na. Sabi nilakad nila, procure, sarili nilang pera o CSR nila o anuman, tapos nakarating na, una na-hold sa Customs kasi may memo ang DOH na di pwede ilabas. Nang nailabas di pwede i-distribute kasi naghihintay ng approval ng FDA, accreditation. Ngayon ayaw magbigay ng accreditation, hindi ito forever pwede itago. So ginawa nila pinamigay sa LGU. Nang nalaman ng DOH naglabas ng circular huwag gamitin. Kung may donated na rapid test kits i-donate sa DOH, ayaw nila i-donate kasi hindi naman gagamitin. And eventually a-approve-in din nila.”
DOH, Astang COA:
“At meron pang pinalabas na whereas namin yan, pinalabas na circular ang DOH na di pwede gumamit ng government funds sa pag-procure ng rapid antibody test kit. E parang COA. COA lang pwede magsabi noon na di pwede gumamit ng pondo ang gobyerno sa paggastos. Pero ang DOH naglabas ng ganoong kautusan. Doon napikon si Sen Tolentino. Pikon na pikon siya. Pati ang kanyang panukala kasi may medical act na existing, ni-research pa niya yan, pag graduate ka sa medical school maski hindi pa kumukuha ng board exam, pwede nang gamitin. E malaking tulong yan, multiplier effect yan, ayaw naman ng DOH. Pero eventually bumigay at pinayagan din, pero may delay.”
***
* DUQUE STAYING:
President Duterte retained Duque despite Senate Resolution:
“Unang una hindi naka-address kay PRRD. Di na namin involve si PRRD. Ang aming resolution calling for the immediate resignation, that is between the Senate, of course that’s internal kasi resolution ito, magkakaroon ng pagdinig, pero ito panawagan kay Sec Duque. Hindi kami nanawagan sa Pangulo.”
“Ang panawagan na ito, appeal or demand or kung ano man ang interpretation, alang alang sa bayan natin dahil marami nang palpak na nangyayari, e baka pwedeng mag-resign ka na o ibigay mo sa iba na competent.”
Duque decided to stay on:
“May sarili siyang dahilan. Iwanan na natin sa kanya yan.”
***
* SENATE INQUIRY:
Senate to take up Resolution when Session Resumes?
“Pag nag-resume session may first reading, ire-refer sa committee. Ang kino-consider namin i-refer sa Committee of the Whole. Pero paguusapan namin yan, ica-caucus namin yan. Para organized. Pag Committee of the Whole, SP ang magpe-preside.”
*****