#PINGterview: May Pondo sa Next Round ng Ayuda; Huwag Gutumin ang Pamilya Dahil sa Kapabayaan ni Mayor o ni Kap!

In an interview on DZBB/GMA News TV, Sen. Lacson answered questions on:
* sufficiency of funds for 2nd tranche of social amelioration [0:16]
* 18M beneficiary families should get 2 months’ amelioration [1:07]
* possible supplemental budget [13:02]
* delay of funds due to ‘incompetence’ of some mayors, barangay heads [18:11]
* alleged ‘doble presyo’ of PPEs purchased by DOH, and related issues [20:18]

NOTES and QUOTES:

* SOCIAL AMELIORATION PROGRAM

Enough Funds for 2nd Tranche of SAP:Β 

Ang intention para ang informal sector, di lang ang beneficiaries na 4Ps na nariyan na talaga, ang mga nawalan ng trabaho dahil daily wage earners, tapos MSMEs, mabigyan ng ayuda ng gobyerno. Alam natin nawalan sila ng kita dahil pang-arawan ang kanilang sweldo. So yan ang target na mabigyan at ang target 24M families ang mahahagip noon 18M. Sabi ni Pangulong Duterte, ie-expand nila para ma-cover hanggang 23M families.”

Unang una, sa batas, 2 buwan ang ibibigay na P5-8K. 2 buwan yan. Kaya di pwedeng 1 buwan lang. Sa pinasang Bayanihan Act, ang susustentuhan ang 18M pamilya mahigit ng P5-8K, depende ito sa lugar. Kasi NCR mas mataas ang standard of living, so P8K diyan. Ang lugar binase sa cost of living kaya may range P5-8K. Ang tanong may alinlangan ngayon ang nabigyan noong una bibigyan uli at ang di nabigyan, di nabibigyan. Kung di pa nasasakop ang nakasaad na pinasang batas na mahigit 18M pamilya, dapat bigyan lahat yan. Pero sa alam natin, di pa lahat nabibigyan. At marami pa ring issue sa baba, sa LGUs, na minsan hinahati. May iniimbestiga na barangay chairman doon.”

Ngayon ang tanong, may budget ba? Ang sagot, meron. Unang una ang mga datos na ibabahagi ko sa inyo, galing sa DBM mismo. Gusto ko pasalamatan ang DBM, si Sec Avisado, napaka-transparent nila. Dahil nang sumulat ako nang April 28 sa kanila kasi maraming usapin, maraming hindi nare-reconcile na figures.”

“May naiiwanan na unreleased for 2019, kasi huwag muna natin pagusapan ang 2020 dahil papasok pa lang tayo sa 1.5 months ending ng first semester kaya di pa natin pwedeng makuha ang updated na figures dito dahil malayo pa ang Dec 31. Dahil ang 2019, ang available pa sa DBM di pa nare-release, sa P77.1B. Yan ang di na-release at may kasama roon discontinued projects na. Remember para maliwanag lang sa usapan, nagpasa tayo ng batas kung saan ang 2019 budget pwede pa rin i-obligate hanggang Dec 31, 2020. Hindi porke’t hindi na-release ng Dec 31, 2019 e pwede na talagang sabihing ok na ito. Yung sabi ko nga unused, hindi ito ang unreleased at unobligated. Ang unreleased ng DBM P77.1B, ngayon ang unobligated sa P204B pa. As of April 30, 2020, P204B. Ito ang nasa ahensya na, na-release ng DBM ang allotment pero di nagagamit ng ahensya, di obligated. Kung suma tutal mo yan assuming halimbawa di nagamit at babawiin na yan dahil humina ang spending natin. Di ba dahil sa COVID, walang activities masyado. Walang spending masyado ang gobyerno except sa COVID-19-related expenditures, mga MOOE. Pati ang Special Purpose Fund.”

“Kung isusuma-tutal mo ang total unused as of 2019 as of April 30, 2020, ganito dahil ito ang na-submit ng ahensya sa DBM, although sabi ng DBM sa akin, ang nasa-submit pa lang ng ahensya na obligated, within obligational authority na tinatawag na meron na sila, 93.5% pa lang, so hindi pa final ang P204B na unobligated. So pag sinama mo ang P77B at ang P204B, nasa mga P281B. Yan ang pwedeng available as of April 30, 2020. Ngayon kung ang na-submit pa na na-obligate na base sa report, sabi ng DBM nakapag-submit na as of April 30 pero di pa consolidated. So ang working figure natin medyo maglalaro sa P77.1B na unreleased at P204B na 93% noon ang na-consolidate. So sabihin na nating 93%, sabihin natin P180B ang unobligated. So malaki pa rin ang pondo.”

“May available na di pa released na P77.1B at may nasa ahensya na di obligated na P204B as of April 30.”

“Spending authority ito. Pero dahil batas ang GAA obligado ang gobyerno na sustentuhan ito, whether through revenues or sa pangungutang, kailangang sustentuhan ito kasi batas ang GAA. Kaya di ba taon-taon kinukwestyon natin bakit sobra-sobra ang inuutang natin sa deficit natin. Meron talagang pera.”

In fairness to DBM mabilis ang release nila ngayon. Ang first quarter nila, as of April 30, ang nare-release nila sa department at agencies, pumapalo sila ng 90.1%. Malaki na, nasa mga P3.8T na. Ang naiiwan doon na hindi nare-release ng DBM sa ahensya para naman sa 2020 budget mahigit P400B pa.”

At meron pa tayong kinwestyon noon na siningit sa budget. Ito ang P84B na siningit ng HOR kasama na rin ng ilang senador na pag naroon pero ginawa ng DBM doon dahil hindi ito dumaan sa vetting ng ahensya nang tanungin ang mga ahensya, ang term nilang ginamit, For Later Release. P84B yan. Yan ang sinabi ko sa inyo euphemism ang For Later Release pero all indications hindi ire-release yan. So kung pera ang paguusapan, hindi actual pera. Kung pondo under GAA, maraming pera. At sabi ko nga, premature pang humingi ng supplemental budget na narinig P51B ang plano nilang hingin.”

Possible P51B Supplemental Budget for 5M added families:

“Ang nare-release ng DBM (sa Bayanihan Act) P351-plus billion ang allotment, ang na-allot na nila as ahensya, P351B na.”

“Pwedeng supplemental budget nga yan kasi covered ng Bayanihan Act, 18M families. So kung magdadagdag ng 5M families, tama yan. Hingi sila ng panibagong authority by way of a supplemental budget kasi di hagip ng Bayanihan Act ang 5M families. Hindi nabilang yan doon. Kung yan ang intention tama lang na humingi sila ng supplemental budget sa Kongreso.”

18M Families who got 1st Tranche Should Get 2nd Tranche Too:

“Nasa batas sa Bayanihan Act na obligadong bigyan sila ng ayuda na P5-8K. Kung talagang mabubuksan, halimbawa talagang nagkaroon ng vaccine at maraming area naging normal na lahat, pwede na talagang hindi i-release yan kasi ang intention ng batas ang nawalan ng kita, yan ang aayudahan. Pero kung talagang nakakapagtrabaho na, pwede naman siguro, depende sa interpretation ng batas later on at Korte Suprema lang naman ang pwede mag-interpret niyan, kung tama ba o hindi na itigil ang ayuda sa lugar na may pamilya na nagtatrabaho na ang mga tao.”

“Dapat mabigyan sila ng 2 buwan.”

Babalikan natin, ano ang intention ng batas? Kung ang intention ng batas ay nawalan ka ng kita sa loob ng 2 buwan, dapat ibigay ang 2 buwan maski halimbawa pang nawala na ang lockdown nakapagtrabaho na, nag-utang sila para sa 2nd buwan nila. E dahil nagtrabaho sila papasok sa 3rd buwan, ibig sabihin di na sila bibigyan?”

***

* PROBLEMS IN FUND DISTRIBUTION:

Families Suffering due to ‘Incompetence’ of Some Local Officials:

“(Sa Senate hearing sa May 19), kailangan linawin ang pagbibigay ng ayuda. Kasi maraming reklamo sa ground. Yun nga, may di nakakarating. Ang iba hinahati. Sa Cavite lang may nakausap ako, bakit may pamilyang nabigyan ng P6,500 at may P2,000? Yan dapat liwanagin mabuti. Kasi sabi ng DBM at DOF nai-release na talaga, naibaba na ang P350B+. So dapat i-account yan saan talaga napunta yan? Tinanong namin sa DBM yan ang sabi nila mas magandang makasagot doon ang mga ahensya na nag-distribute ng pondo. Tama yan. Ang DBM mas macro para mag-distribute ng pondo. Ang dapat pagpaliwanagin doon, paano dinistribute ang ganoong pondo at I’m sure sa kasamahan ko rin may reklamo o issue na nakarating sa kanila na gusto rin nila liwanagin tungkol sa pag-distribute ng amelioration fund.”

“Napakarami (ang reklamong dumarating sa DSWD). Hindi isolated. Kung isolated lang, pwede natin medyo pikitan ng mata kasi baka medyo na-overlook o medyo may problema sa lugar. Pero kung commonplace, dapat magpaliwanag talaga.”

DSWD Waiting for Liquidation Before Distributing 2nd Tranche:

Para sa akin, ang incompetence ng namumuno dapat hindi ang mag-suffer ang dapat beneficiary. Sa akin dahil emergency, dapat ibigay na tapos ipa-liquidate na lang nila pagkatapos ng 2 buwan. Kasi kung paparusahin mo ang mga pamilya na walang kita, gugutumin mo dahil incompetent ang barangay chairman o mayor, parang di reasonable kung ang tanong mo sa akin reasonable ba.”

“Pwede namang habang nagli-liquidate i-release na kasi talagang identified nila ang 18M pamilya. So bakit mo paparusahan ang pamilya na gugutumin mo ang pamilya dahil incompetent ang namumuno sa kanilang lugar? Mali ata yan. Papanagutin sa batas ang mayors, barangay chairman. Pero in the meantime dapat i-release na muna ang dapat i-release sa mga pamilya. Tapos i-supervise nang mabuti.”

***

* ‘DOBLE PRESYO’ sa PPE

Questions for DOH at May 19 Hearing:

Kasi ang problema sa DOH, basic yan. Trace and test. Kasi ang basehan mo sa pagte-test, ang contact tracing. Napakakaunti ng kanilang tine-test. Tapos may narinig ako na flattened na ang curve. Alam naman natin na tuloy-tuloy ang pag-akyat ng na-infect araw-araw tapos di pa updated ang kanilang report. Di ba ang UP Resilience Institute na nagsagawa ng study, mali-mali ang datos ng DOH. Kung pinagtatakpan para lang masabing maayos ang PH at kakaunti ang na-infect araw-araw kakaunti ang namamatay, pero dahil di accurate ang baseline data, dapat pinanggagalingan yan pinagbabasehan natin ang contact tracing. Pag may nag-positive ilan ba ang member ng pamilya niya, ilan ang nakasalimuha niya ang dapat i-test? Basic yan.”

“Napakasimpleng intindihin. Trace and test, trace and test. Di pwedeng test ka ng test, sino ba tine-test mo? Pagkatapos di ba 800+ ang ano, pero nakita ko ang graph sa ibang bansa. Makikita mo kung nafa-flatten ang curve kasi nakabukol sag gitna tapos bababa sa huli. Sa atin pula, pataas pa tayo. So there’s no such thing as flattening the curve sa PH kasi nga hindi pa pababa ang graph natin, ang na-infect. At kaunting kaunti lang talaga ang ating nate-test.”

“Isang issue mabuti kung may nakikinig na taga-DOH, ang mahal ng purchases nila. Ang alamin ko lang kasi nakakuha ako ng datos sa maraming civilian na nagboboluntaryo na sila mismo nagte-test sila mismo bibili ng PPE, private. Bakit ang presyo ng DOH, halimbawa ang PPE, bakit doble ang presyo ng DOH kesa sa presyo ng private organization?

“Yan ang gusto liwanagin. Yan ang napakahirap patawarin. Meron ka nang crisis, pagsasamantalahan mo pa ang crisis para sa sarili mong opportunity, may crisis na nga, selfish pa ang ano. Ang crisis nag-seize ka ng opportunity para sa bansa. Tulad halimbawa di ba ang China, maraming mga European at America lalo, aalis sila sa China. Pag aalis sila sa China, siyempre Asian country rin ang pupuntahan ng factories nila. Ang nakaagap agad doon ang Indonesia eh. Sa US lang, 27 factories ang aalis at mag-relocate sa China pero lipat sa Indonesia. Ito ang opportunity na dapat gina-grab natin kasi ang laki ng kumpanyang ito, dapat makabahagi man lang tayo ng mga factories na ililipat sa atin. Sayang.”

*****