#PINGterview: Addressing Catriona Gray, Other Critics on Anti-Terror Bill

In an interview on DZRH, Sen. Lacson answered questions on:
* criticisms vs Anti-Terrorism Bill, including high-profile personalities [24:23]
* how National ID system can speed up contact tracing [21:45]

QUOTES and NOTES:

* ANTI-TERRORISM BILL:

Critics Shifting Disinformation Tactics:

Kapag sinasagot ko ang issues, iba na issue ng kumokontra, ang pag-implementa raw. Nag-shift ang discussion. Hindi na sa mismong batas kundi sa pag-implementa na, baka raw abusuhin.”

Ang problema sa nagbabatikos namimili sila… pinipili nila tapos piecemeal nila. Imbes basahin ang paragraph doon sila sa sentence para ipakita na masama ito.”

“Puro kasinungalingan sinasabi nila, mabubuko naman sinasabi nila, narito naman sa batas. Alam nila mabubuko sila. Pero para lang ma-pursue ang kanilang end, ang kanilang objective, ganyan katalamak ang pagsisinungaling na ginagawa.”

Nabubulag ang ating kababayan sa paglason ng isip ng mga kumokontra rito to a point hindi accurate ang sinasabi nilang information.”

Ang ating pakiusap sa kababayan, huwag agad maniwala sa pasabi ng kumokontra rito. Bagkus, basahin ninyo in its entirety ang batas. Makita ninyong mali ang sinasabi ng kumokontra rito.”

Addressing Critics of Anti-Terror Bill:

“(Si Phil Robertson deputy Asia director ng HRW), Amerikano ba siya? Itong Anti-Terrorism Bill, hinango sa batas ng US, Australia, EU. Karamihan dito kinopya natin doon. Ang standard na sinunod ko UN standards. Tapos pinagsama-sama namin ang mga batas sa Australia, ito mga strong democracy, US, EU, Australia.”

“Kaya nag-iisang Amerikano si Phil Robertson. Karamihan dito pinayagan ng citizens ng US. Mas matindi pa ang kanilang batas, may Guantanamo sila. Bakit pursue niya sa PH? Sa US siya mamuna.”

“Ang Australia, very strong democracy kaya medyo ano ako, with all due respect kay Miss Universe Catriona Gray, di ba Australian siya? E kumokontra rin siya pero batas sa Australia mas matindi sa batas natin. Hinango natin ang ibang portion ng batas sa Australia, pinapatulong namin dito.”

“Ilang beses tayo nakipag-meeting sa kanila (Australia). Ilang beses ako nakipag-meeting sa kawani ng US Embassy. Kasi we cannot do it alone because yan ang universal standard. Ang parameters ko rito nang ako nagdedepensa rito, huwag kami bumalik sa dead-letter law.”

Philippines Used as Laboratory by Terrorist Groups:

Ginagawa nilang laboratory ang Pilipinas. ISIS, JI, Indonesia yan, pero sa PH nag-o-operate. Bakit? Napakaluwag ng batas natin. Gusto ba natin dito magpuntahan dito ang terorista kasi napakahina ng batas natin?”

“Consider this. Sa ngayon ang Global Terrorism Index ng 2019, sa buong mundo, ang PH ang 9th sa pinaka-negatively affected by terrorism. 9th tayo sa pinakamaraming napatay, sa domestic and foreign terrorists, sa pinakamaraming nasirang properties.”

May sundalo sa Mindanao na sumusuporta of course dito sa panukalang batas na ito. Sabi nila kayo kasi sa Manila, masarap ang buhay nyo riyan, ang sundalo at pulis, sa restaurant kumakain. Dito sa Mindanao di namin kasama pamilya namin, kaharap namin mga terorista. Kung baligtarin kaya natin diyan mapunta ang terorista at sa Mindanao maraming Japanese and Chinese restaurants, baka kayo naman manawagan suportahan ang anti-terrorism bill ng Senado at buong Kongreso.”

***

* NATIONAL ID ROLE IN COVID PANDEMIC:

Making Distribution of Aid Easier, Less Prone to Corruption:

Ito ang kailangang kailangan natin lalo sa panahon ng pandemic kasi sa ngayon di magkamayaw sino dapat mabigyan ng tulong, baka may pamilyang nakakadoble, mag-asawa nakakakuha, samantala sa Bayanihan Act, 18M tutugunan. Kung nagkamali distribution, may naiwan. I think out of the 18M plus families may hindi natugunan na 300,000. Yan ang huling count namin 2 weeks ago, di ko alam kung natugunan yan.”

“So kung may National ID system tayo tukoy lahat yan. Pati ang CCT tukoy agad yan pag may National ID system. Walang makakawala. Mababawasan ang kalokohan ng ibang mga kawani ng gobyerno na mag-ghost beneficiaries o di ibigay sa kinauukulan.”

Aid in Contact Tracing:

Pati sa contact tracing. Kung meron tayong National ID ang daling mag-contact tracing. Pag may taong nasalamuha niya na infected pala, ang National ID mas madali. Sa ngayon naghuhula tayo sino kausap nito, e may COVID pala ito?”

*****