Ping sa DOH, FDA: Magbakuna na Kayo!

Pinakamahalaga sa lahat bakuna.

Ito, ayon kay Senador Panfilo Lacson, ang unang dapat na isinasaalang-alang ng Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) para sa paggagawad na ng compassionate special permits upang makapasok sa bansa ang mga COVID-19 vaccines sa lalong madaling panahon.

“Why don’t they exercise their power to issue a compassionate special permit? Their officials keep claiming they are still conducting studies. Mamamatay tayo sa ka-study eh,” mariing pahayag ni Lacson sa panayam ng TeleRadyo.

Ayon sa mambabatas, walang ibang pinakamainam na gawin ang mga nabanggit na ahensiya kundi ang agarang pagpayag na makapasok sa bansa ang mga bakuna.

“We have to start the rollout of the vaccines soonest. Kahiya-hiya ang nangyayari sa atin,” banggit ni Lacson.

Related: Lacson: Vaccine Rollout Needed ASAP

Ang kabagalan sa pagkilos upang magkaroon na ng bakuna ang bansa laban sa COVID-19 ay karagdagang patunay na nagpabaya ang ilang opisyal, kung kaya ang naunahan ang Pilipinas ng ibang bansa sa katiyakan ng suplay nito.

Isiniwalat din ni Lacson ang obserbasyon ni Chinese ambassador Huang Xilian na may mga opisyal ng pamahalan na nagbanggit ng pagbili ng bakuna sa China subali’t wala umanong nagbigay ng commitment sa mga ito.

Ang obserbasyon ay ikinuwento ng Chinese ambassador sa isang kaibigan ng mambabatas na nakasama nito sa isang hapunan.

At dahil walang gumawa ng seryosong hakbang sa pagkakaroon ng suplay ng bakuna sa bansa, binanggit ni Lacson na posibleng sa ibang bansa na lamang ito ibigay ng China.

Nakakahiya umanong isipin na ang Pilipinas ay magkakaroon ng bakuna laban sa COVID-19 dahil sa inisyatiba ng pribadong sektor at hindi ng pamahalaan na siyang may pangunahing responsibilidad para sa mamamayan nito.

“Isn’t it disgusting that the private sector is taking the lead to bring in vaccines? This should put the government to shame, especially considering that the Department of Finance has announced multimillion-peso loans for vaccines,” banggit pa ni Lacson.

Nakailang loan na tayo sa vaccine, bakit hanggang ngayon wala pang vaccine?” dagdag pa ng senador kasabay ng pagpapaalalang dapat na unahin na talaga ang pagbakuna sa nasa 110 milyong Pinoy kumpara sa ibang aspeto laban sa COVID-19.

*****

One thought on “Ping sa DOH, FDA: Magbakuna na Kayo!”

Comments are closed.