Ping: Maaring Desperado na Mga Tao Kaya Nabuo ang Community Pantry

Image Courtesy: CNN Philippines

Senyales ng pagiging desperado na ng mamamayan bunga ng kawalan ng tulong mula sa pamahalaan sa panahon ng pandemya ang paglutang ng mga community pantry sa ilang lugar sa Metro Manila.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, bagama’t isang magandang gawain at ehemplo ng pagtutulungan at pagkakaisa ng mamamayan ang community pantry, sa kabilang banda ay makikita rin ang desperasyon ng mga tao dahil hindi na nila maasahan sa tulong ang pamahalaan.

“It is good that through the community pantries, we see mutual aid by neighbors and barangay residents. But this is also a sign of desperation, that people can no longer rely on government to help them,” pagsiwalat ng mambabatas sa panayam sa kanya ng DZBB radio.

Kasabay nito ay nagpaalala rin ang mambabatas sa mga nagtutungo sa mga nabanggit na lugar.

“That said, those involved in community pantries must also remember to follow the proper health protocols to make sure they do not get infected,” dagdag ni Lacson.

Related: Lacson: Community Pantries Welcome, But May Signal ‘Desperation’ Amid Continued COVID Crisis

Ang community pantry ay isang uri ng sistema ng pamamahagi ng tulong kung saan ang mga donasyon na pagkain, bigas at gulay ay iniiwan lamang at ang mga nangangailangan naman ay pupunta para kumuha nang libre para sa kanilang makukunsumo.

“When you realize you cannot rely solely on government, you band together to find ways to survive,” banggit pa ni Lacson.

Binanggit din ng mambabatas na maaring mali ang maging interpretasyon ng mga opisyal ng pamahalan sa binanggit ng Pangulong Rodrigo Duterte na wala silang naging pagkukulang sa pagganap sa responsibilidad sa panahon ng pandemya.

Partikular na nabanggit ng mambabatas ay sina vaccine czar Carlito Galvez Jr. at Department of Health Secretary Francisco Duque III dahil hindi na umano kikilos ang mga ito para mapatino ang pagganap sa tungkulin kung maririnig sa Presidente na wala silang pagkukulang.

“If the President says they have no shortcomings and his subordinates believe it, they will not see the need to make adjustments. But we all know the government has had many shortcomings, including the late purchase of vaccines and over-regulation of the private sector,” banggit pa ni Lacson.

*****

One thought on “Ping: Maaring Desperado na Mga Tao Kaya Nabuo ang Community Pantry”

Comments are closed.