Hindi lamang ang kasiguruhan ng bansa sa pagkain ang nanganganib sa walang habas na katiwalian sa Department of Agriculture (DA) kundi pati na rin ang pambansang seguridad.
Ito ang nakikita ni Senador Panfilo Lacson matapos na mabunyag ang mga gawain tulad ng pagpupuslit papasok sa bansa ng mga pagkain at iba pang produktong agrikultura sa kabila ng produksiyon ng mga ito buhat sa mga lokal na magsasaka.
“There is nothing more basic than food, especially in a pandemic. If corruption infects the Department of Agriculture that should be at the forefront of food security efforts, it goes beyond human conscience. Wala na. Saan pa tayo pupulutin kung ang mga walang kaluluwa walang konsensya pati pagkain ng ordinaryong Pilipino di papatawarin?” mariing pahayag ni Lacson sa panayam sa kanya ng DZBB radio.
“May kumita na sa PPE, may kumita kung saan-saan, may kumita sa smuggling. Pati ba naman itong pagkain sa hapag-kainan, titirahin pa rin?” dismayadong pahayag ng senador.
Related: Lacson Warns: Corruption at DA Threatens Food Security, National Security
Ang pagdagsa ng mga inangkat na karneng baboy sa bansa ay bunsod ng Executive Order 128 na ipinatupad ng gobyerno batay sa rekomendasyon ng DA upang umano’y hindi kapusin ang suplay sa mga pamilihan na ayon naman sa mga lokal na sektor ay kaya nilang tugunan.
Ayon kay Lacson, ang nabanggit na pagkaagrabyado ng mga lokal na negosyante ay maaring magbunsod sa mga ito na mahikayat ng New People’s Army (NPA) na sumapi sa kanila.
“It will be easy for the NPA to recruit new members, especially those who go hungry after losing their livelihood and blame government policies for their plight. This has given the NPA an opportunity to recruit. This will add to our national security problem,” paliwanag ni Lacson.
Una nang binanggit ng mambabatas sa padinig ng Senado na dahil sa pinababang taripa sa mga inangkat na karne sa ilalim ng EO 128, mawawalan ang gobyerno ng P5.4 bilyong koleksyon.
Sa naturang halaga ay hindi pa kasama ang misdeclaration, underdeclaration at aktuwal na smuggling ng mga isda at produktong dagat kung saan ay nawalan ng P1 bilyon kada taon ang gobyerno mula 2015 hangang 2020.
Ayon pa sa senador, sa lahat ng kakulangan ng suplay, importasyon ang unang naiisip ng DA para masolusyunan sa halip na alamin ang ibang mga lugar na may sapat o sobrang suplay na puwedeng ipampuno sa pangangailangan.
“It came to the point that Senate President Vicente Sotto III and I were joking that the DA has become a Department of Importation because it seems all the solutions it can think of are centered on importation. Instead of helping local hog and poultry raisers, why insist on importation as the solution? Is it because there is money to be made there?” pahabol ng mambabatas.
*****