Bunga ng kinakaharap na ga-bundok na problema ng bansa na lumala pa dahil sa pandemya, nananawagan si Senador Panfilo Lacson ng kahit na pansamantalang pagkalma sa katiwalian sa pamahalaan at bangayan ng nagbabanggaang grupong pulitikal.
Ayon sa mambabatas, hindi pa malinaw ang hinaharap at kinakailangan na isipin ng lahat na Pilipino ang kapakanan ng bayan at kalimutan na muna, lalo na ng mga mapagsamantala, ang pagpapalago ng sariling bulsa.
“All of us Filipinos should think of the national interest and unite to promote it. Those Filipinos engaging in corruption now, especially those wanting to make dishonest money from COVID, are not exempt from this,” banggit ni Lacson.
Una nang pumasok ang mga impormasyon sa tanggapan ng mambabatas hinggil sa korapsiyon sa pagbili at suplay ng testing kits at mga makina, face masks, face shields, personal protective equipment (PPE) at mga kahalintulad na kagamitan sa pagtukoy at proteksiyon laban sa COVID-19.
Related: Lacson to Corrupt, Bickering: Think of National Interest, Give Us a Break!
Panawagan ni Lacson, sana kahit ngayon pandemya ay pahupain ng mga mapagsamantala ang sariling kapakanan at bulsa.
“Can they at least forget about their greed during the pandemic? I am not saying they can resume their corrupt ways once the pandemic is over, but especially during this period when we face so many problems, they should pause if they cannot stop,” paliwanag ng senador sa panayam ng Eagle News.
Bukod sa mismong COVID-19, nakikita ng mambabatas ang iba pang problemang kaakibat nito na kinabibilangan ng pagbagsak ng ekonomiya, patuloy sa paglago na utang, at patuloy sa pag-init na usapin sa West Philippine Sea (WPS).
Muli ring nanawagan si Lacson na magkaroon lamang ng isang tinig ang bansa sa pakikipaglaban nito sa mga teritoryong nasa WPS at tigilan na ang personal na pag-insulto at pag-atake sa mga naglalabas ng opinyon at mungkahing solusyon na salungat sa argumento ng mga nagbabanggaang grupo na nagiging dahilan para magkawatak-watak ang mga Pinoy.
“Masyadong malalim na ang hidwaan o pagkakawatak-watak natin. Isantabi muna natin. Kasi meron tayong isang bansang Pilipinas na dapat ito ang nangingibabaw. Ito ang tinatawag nating national interest – para sa ating bansa at hindi sa ano pa mang grupo o partido pahabol ni Lacson.
*****
One thought on “Ping: Tantanan Muna Katiwalian, Bangayan Kahit Ngayong Pandemya Lang”
Comments are closed.