Ping: Malaking Problema Kung Biro at Pagsiseryoso ng Pangulo, ‘di na Matukoy

Hindi nakakatuwa ang “pagbibiro” ng Pangulong Rodrigo Duterte para sa mamamayang Pilipino, lalo na sa mahalagang isyu tulad ng teritoryo natin sa West Philippine Sea.

Ito ang naging tugon ni Senador Panfilo Lacson sa pagsasalita ng Pangulo sa publiko nitong Lunes ng gabi, kung saan ay sinabi nitong nagbibiro lamang siya nang sabihin noong 2016 na siya ay magdi-jetski patungo sa Spratlys.

“It’s very hard to read his mind. He may be sending mixed signals such that we don’t know if he’s serious or joking. His spokesperson would say he is joking, but there are times he seems serious in his statements. We don’t know anymore. We have a very big problem in our hands,” banggit ni Lacson sa panayam ng ANC.

Related: Lacson: President’s ‘Joking’ Statements No Laughing Matter

Kaya naman, hirap na hirap umano ang publiko na maunawaan o maintindihan kung kailan siya seryoso at kailan siya nagbibiro.

“When he addresses the nation, we don’t know when he is joking or serious. Is it up to us to understand which is which? It’s really hard for Filipinos,” ayon pa kay Lacson.

Dapat umanong magsilbi na itong aral sa mga botante at umpisahan na ang malalimang pagkilatis sa mga kandidato, hindi lamang sa pagkapangulo kundi pati na rin sa ibang posisyon kasama na ang paghalal sa mga mambabatas.

Binanggit din ni Lacson na dahil kahit na ang sandatahang lakas ng bansa ay naguguluhan sa mga binibitawan ng Pangulo, patuloy naman ang pagsasamantala ng China sa mga teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

“In the meantime, our fishermen are harassed in our own Exclusive Economic Zone (EEZ). We cannot fish and we’re losing billions and that affects our economy. China has become of late very aggressive to the point they rammed a commercial fishing vessel owned by Filipinos though of course they compensated,” ayon kay Lacson.

“We buy galunggong from China but the fish came from our waters. Isn’t it an irony we own the fish we are buying?” banggit ng senador.

Muli ding binanggit ni Lacson ang pangangailangan ng bansa na palakasin ang alyansa nito sa mga kaalyado gaya ng Estados Unidos, Japan, Australia at ilang bansa sa Europa.

Sa panig ng mga bansa sa Europa, malaki umano ang mawawala sa kanila kapag tuluyan nang nadomina ng China ang WPS dahil posibleng maapektuhan ang pagdaan ng mga pangkomersiyong barko ng mga ito sa lugar na sasakupin ng naturang bansa.

“Each country works in its own interest. We should take advantage of that, that they have their own national interest to pursue in the WPS,” ayon pa kay Lacson

*****

One thought on “Ping: Malaking Problema Kung Biro at Pagsiseryoso ng Pangulo, ‘di na Matukoy”

Comments are closed.