Ping, May 2 Rekomendasyon sa Matagumpay na Pagbabakuna

Mas masigasig pang hakbang ng mga vaccination czar at pagbibigay kalayaan sa mga nangangasiwa at nagpapatupad ng pagbabakuna na gumamit ng epektibong sistema ang susi para maging matagumpay ang misyon ng pamahalaan na herd immunity laban sa COVID-19.

Isiniwalat ito ni Senador Panfilo Lacson bilang payo sa mga awtoridad matapos ang pinakahuling pagpupulong sa pagitan ng ilang senador na kinabibilangan niya, Senate President Vicente Sotto III at Senador Ronald Dela Rosa; at ni testing czar Vivencio Dizon at contact tracing czar Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

“We advised them to be more assertive. Senate President Sotto even said that if they are sure they are right and their ‘superiors’ are wrong, they can ‘defy’ them. Also, it is the people on the ground such as mayors who can appreciate the situation better. So it is important that they be given flexibility and more autonomy in the implementation of the vaccination program,” banggit ni Lacson sa panayam sa kanya ng CNN Philippines.

Isiniwalat din ni Lacson na magdadaos ang Senado ng Committee of the Whole hearing sa Martes, Hunyo 15, alas-10 ng umaga, bilang bahagi ng oversight function nito para alamin kung paano ginamit ng pamahalaan ang P82.5 bilyon na inilaan sa programa sa pagbabakuna, at mga kaakibat na paraan at sistema.

Related: Lacson: Flexibility, More Practical Regulations Key to Success of Vaccination Drive

“We want to find out and keep track on the progress of the vaccination program. How many vaccines have been procured? How much more will be needed? That’s part of our oversight function. We want to be briefed because we are the ones who appropriate the budget. And under the law, we need to be informed how the appropriations are used,” ayon sa senador.

Ayon sa mambabatas, naimpormahan na ng pamunuan ng Senado ang mga senador at maging ang mga personalidad na inimbitahan.

Sa isa pang pagkakataon ay ipinanawagan din ni Lacson ang kahalagahan ng klarong mensahe ng pamahalaan na kailangang pagtiwalaan ng publiko ang bakuna laban sa COVID-19.

“It’s very important that our people will trust the vaccines. Our people should get the jab done and the government should get the job done. If people see shortcomings or lapses on the part of the government, how could you improve people’s trust in vaccines?” dagdag ni Lacson.

Binanggit din ni Lacson na bagama’t “too patient to a fault” si vaccine czar Carlito Galvez Jr., ang pagiging mapasensya ay maaaring hindi makatulong sa emergency. Mainam na nariyan si Dizon at Magalong para suportahan siya, aniya. Hindi nakasama si Galvez sa nabanggit na pagpupulong dahil sinalubong nito sa paliparan ang dumating na batch ng mga bakuna.

Sa panig ng implementasyon ng pagbabakuna, naniniwala ang mambabatas na dapat ay bigyan ng kaluwagan ng mga nakakataas ang mga ito bilang direktang nakakakita sa mga nangyayari sa mga lugar-bakunahan.

Ayon sa mambabatas, may mga lokal na opisyal na kayang kayang gampanan ang mga responsibilidad sa pagbabakuna gaya ni San Juan City Mayor Francis Zamora na tila maagang mararating ang 70 porsiyentong bakunado para sa herd immunity.

Napuna rin ng senador ang maayos na implementasyon ng pagbabakuna nina Pasig City Mayor Vico Sotto, Manila City Mayor Isko Moreno, Las Piñas Rep. Camille Villar at maging si Magalong mismo, na aniya ay mga pursigidong humihimok sa mga residente “to get the jab done. “These are young, dynamic and progressive-thinking officials we need, more than those who insist on sticking to ‘traditional’ processes,” aniya.

Binanggit din ni Lacson na may mga lokal na pamahalaan na hirap sa pagpapatupad ng bakuna para sa mga kapus-palad batay sa utos ng Pangulong Rodrigo Duterte dahil ang batayan nila ay ang datus ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nalikom noon pang 2015-2016.

Tataas pa aniya ang antas ng pagbabakuna oras na sumabak na ang pribadong sektor, kung saan isang halimbawa ay ang bubuksan sa Nayong Pilipino sa Agosto na kayang tumurok ng hanggang 12,000 katao kada araw na malapit lamang sa isa pang pasilidad na nakakapagturok ng 8,000 araw-araw. Maaari umano itong maging ehemplo ng pamahalaan sa mga darating na araw upang maayos ang pila ng mga nais na magpaturok.

*****

One thought on “Ping, May 2 Rekomendasyon sa Matagumpay na Pagbabakuna”

Comments are closed.