
Kailangan nang pasadahan ang mga umiiral na health protocols, katulad ng hindi bababa sa pitong araw na hotel quarantine requirement sa mga dumarating sa bansa, dahil nagiging dahilan ang mga ito ng pag-iwas ng ilang dayuhang mamumuhunan na bumalik para ituloy ang pagnenegosyo.
Ayon kay Senador Panfilo Lacson, mapapabilis ang pagsigla ng ating ekonomiya kung matugunan ng mga awtoridad ang isyu na ito.
“This is one more reason for our authorities to make our health and quarantine protocols more responsive – and more importantly, more sensible. We should consider the plight of permanent residents in the Philippines who run small businesses here. They cannot make sense out of this requirement. Thus they may opt not to return here until the requirement is lifted,” ayon kay Lacson.
Related: Lacson: ‘Sensible’ Health Protocols to Help Accelerate Economic Recovery
Bilang halimbawa, isiniwalat ni Lacson ang email buhat sa isang ganap nang bakunado na Swedish national na permanent resident sa Pilipinas at may negosyo rito. Ayon sa Swedish national, iniisip nitong manatili muna sa Sweden hanggang maaari siyang umuwi kung wala nang “hotel quarantine.”
Ang Swedish national ay nakatakda nang magkaroon ng European Union vaccination/travel pass bunga ng ganap na pagkakabakuna laban sa COVID-19.
“He is hoping Philippine authorities can have such requirements revoked so he can ‘get back home and work,'” banggit ni Lacson.
Una rito ay iminungkahi ni Lacson ang pagkakaroon ng vaccine passport system sa mga ganap nang bakunado na umuuwing OFW at mga balikbayan, kabilang na ang mga pumapasok na negosyante upang magkaroon ng bahagyang kaluwagan sa paggalaw at aspetong pampinansiyal.
Umaasa ang mambabatas na tutuparin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang pangako nito sa Senado sa pagdinig noong Hunyo 15 na muling pag-aralan ang mga umiiral na health protocols.
Nakita rin ng mambabatas na dahil sa pagkikipagtulungan ng pribadong sektor sa IATF, nabawasan na ng kalahati ang tagal ng pila sa mga vaccination centers ng mamamayang nakatakdang magpabakuna.
“Thus, the estimate made by vaccine czar Carlito Galvez Jr. that they can accelerate the vaccination up to 740,000 per day going into the fourth quarter of this year is achievable,” komento ni Lacson.
Muli ring nanawagan si Lacson sa publiko na magpabakuna na base sa pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na mamamatay ang mga ayaw sa bakuna.
“Coming from the President, it’s rhetorical and exaggerated but definitely has a semblance of truth to it. Hence, he may be able to effectively deliver a strong message to many Filipinos who still refuse to be inoculated because of wrong information,” banggit ni Lacson.
*****
One thought on “Ping: Health Protocols Gawing Praktikal para Ekonomiya ay Sumigla”
Comments are closed.