Para humandusay ang korapsiyon, dapat na tiyakin na kongkreto ang mga ebidensiyang laman ng mga katiwaliang isisiwalat.
Ito ang isiniwalat ni Senador Panfilo Lacson na payo nilang dalawa ni Senate President Vicente Sotto III kay Senador Manny Pacquiao sa hangad nitong magsiwalat ng mga katiwalian sa loob ng sangay ng Ehekutibo.
“Our advice to him was to make sure the evidence he has is substantial, because if just one item in his expose turns out to be lacking or baseless, that is what the public will remember,” banggit ni Lacson sa panayam ng DZRH radio nitong Biyernes.
Read in ENGLISH: Lacson, Sotto Advise Pacquiao: Ensure Exposes vs Corruption are Solid Hits
Tinanggap ni Pacquiao ang hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte na tukuyin ang mga ahensiya at mga tao ng pamahalaan na kinakitaan niya ng katiwalian.
Hangad na lamang ni Lacson na hindi na humantong sa personalan ang away ng Pangulo at ni Pacquaio.
“It is sad to see two allies and friends have this word war in public. I hope they can stick to the issues and not make their word war become personal,” banggit ng mambabatas.
Gayunman, sinabi ni Lacson na hindi rin dapat maliitin ang kakayahan ng Pambansang Kamao bilang mambabatas dahil kinakikitaan nito ng mga indikasyon na nagsasagawa rin siya ng malalimang pagsasaliksik.
Kaparehong impresyon aniya ang naranasan niya noong siya ay unang tumakbo bilang senador noong 2001, kung saan ay binabatuhan siya ng mga tanong na anong magagawa ng isang pulis sa Senado bilang dating pinuno ng Philippine National Police (PNP) mula 1999 hanggang 2001.
Pero nang maging mambabatas, itinuon ni Lacson ang atensiyon sa mga katiwaliang nangyayari sa gobyerno hanggang sa tumatak na sa tao ang pagiging bantay niya sa pambansang badyet, bukod pa sa pagbubulgar ng mga kabulastugan na kinasasangkutan ng malalaking halaga ng salapi.
Bilang senador, iniakda ni Lacson ang mga batas na ginagamit na ngayon ng pamahalaan laban sa katiwalian gaya ng Anti-Red Tape Act, Anti-Money Laundering Act, National ID System, Anti-Terrorism Act of 2020 at marami pang iba.
“Hindi natin pwede matawaran kakayahan ng tao kung di nasubukan (One cannot write someone off without putting him or her to the test),” dugtong ni Lacson.
*****
One thought on “Ping, Tito kay Pacquiao: Siguraduhing ‘Pamatay’ ang Laman ng Anti-Corruption Expose Mo”
Comments are closed.