
I don’t know what President Duterte is talking about when he commented on my hairstyle. I haven’t changed the way I comb my hair, since long before he had lost his mind. But his insulting rebuke only shows that he and Sen. Bong Go are one and the same, for better or for worse, in sickness and in health. They even probably have a joint bank account.
Many people I talked to have noticed his incoherence and senseless ad libs even in his formal addresses to the nation including the State of the Nation Address (SONA).
That said, it is not difficult to think that he is in panic mode and is attempting as he has already done earlier to discourage the Senate from pursuing our investigation in the highly anomalous procurement of overpriced medical supplies that is starting to knock on the doors of Malacañang. The video showing Michael Yang, a Chinese national who had a signed contract as a presidential consultant, receiving a one-peso-a-year remuneration from the government and very casually introducing high officials of the controversial Pharmally Corp. is telling to say the least.
But make no mistake. The Senate will not flinch on this one. There is a lot more to discover and pursue so that all those responsible for this abominable crime against the Filipino people who continue to suffer amid the pandemic will be exposed and charged in court at the proper time.
*****
Basahin sa TAGALOG: Sa mga Insulto ng Pangulo sa mga Nag-iimbestiga ng Anomalya sa PS-DBM
Una, hindi ko maintindihan ang puna ng Pangulong Duterte sa buhok ko. Matagal nang ganito ang buhok ko, bago pa man siya nawalan ng tamang huwisyo. Pero sa kanyang pag-iinsulto, naipakita na siya at si Sen. Bong Go, hindi mapaghiwalay. For better or for worse, in sickness and in health. Marahil nga ay may joint bank account pa sila sa bangko.
Dumadami sa mga nakausap ko ang nakakapuna sa mga wala nang saysay na ad lib ng Pangulo sa kanyang mga talumpati, kabilang na rito ang kanyang State of the Nation Address (SONA).
Hindi malayong isipin na nasa “panic mode” ang Pangulo at tinatangka niyang pahinain ang loob ng Senado sa imbestigasyon sa maanomalyang pagbili ng overpriced na medical supplies, lalo na’t umaabot na ito sa bakuran ng Malacañang. Malakas na mensahe ang dala ng video kung saan si Michael Yang – isang Tsino na pumirma ng kontrata bilang presidential consultant at tumatanggap ng P1 na taunang sahod sa gobyerno – ay kampanteng nagpapakilala sa mga opisyal ng Pharmally Corp.
Sa kabila nitong lahat, hindi magpapatinag ang Senado. Marami pang bagay na matutuklasan at sisiyasatin para mailantad at makasuhan sa tamang panahon ang lahat na sangkot sa krimeng nagpapahirap sa mga Pilipinong nagdurusa sa gitna ng pandemya.
*****
Th Senate should not flinch in this investigation. Unmask the culprits whoever they maybe. Duterte lied people died.