Kontribusyon ni Dinky Soliman sa Yolanda Rehab Plan Inalala ni Ping

Malaki ang kanyang naitulong sa pagbuo ng plano para sa rehabilitasyon at pagbangon ng mga sinalanta ng bagyong Yolanda (Haiyan).

Ito ang naging pagbabalik-tanaw ni Senador Panfilo Lacson nang mabalitaang yumao si dating Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Corazon “Dinky” Soliman sa edad na 68.

Related: Lacson Recalls Late Former DSWD Chief’s Contributions to Yolanda Rehab Plan

“Rest In Peace, Sec. Dinky Soliman. It’s impossible to forget how the DSWD under her watch went all-out in helping us craft the Yolanda Comprehensive Rehabilitation and Recovery Plan, providing all the needed data. She never missed attending a coordination meeting that we called,” pakikidalamhati ni Lacson sa pamamagitan ng Twitter.

Nanilbihan si Lacson bilang Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery, at namuno sa koordinasyon upang matulungan ang mga biktima ng Yolanda.

Sa CRRP nakadetalye ang mga plano para sa rehabilitasyon at pagbangon, at ang kakailanganing pagpopondo para sa pambansa at mga lokal na pamahalaan. Kasama rin dito ang mga patnubay para sa pakikipagugnayan ng gobyerno sa pribadong sektor sa pagtulong sa mga sinalanta ng naturang bagyo.

*****