Kumbinsido si Senador Ping Lacson na nilabag ng dating OIC ng Department of Budget and Management Procurement Service (PS-DBM) na si Lloyd Christopher Lao ang Anti-Graft Law dahil sa pagbibigay nya ng malalaking kontrata sa Pharmally Pharmaceuticals Corp. kahit na walang pinansyal na kapasidad ang kumpanya base sa kanilang Net Financial Contracting Capacity (NFCC).
Sa Senate Blue Ribbon hearing hinggil sa iregularidad sa procurement ng medical supplies bilang pag-responde sa pandemya, inilahad ni Lacson na ang Pharmally ay may net working capital na P599,450 at maaari lamang itong bigyan ng kontrata na nagkakahalaga ng P5.994 milyon.
Ngunit sa kabila nito, nakuha ng Pharmally ang una nitong kontrata na nagkakahalaga ng P13.86 million – mahigit doble sa maximum na maaari nilang makuha – at nakakuha pa ng pangalawang kontrata na nagkakahalaga ng P54 milyon, lahat sa loob lamang ng isang taon base sa mga dokumento na ibinahagi ni Lacson sa pagdinig.
Related: Lacson: Ex-PS-DBM OIC Lao Violated Anti-Graft Law with Huge Pharmally Contracts