“I thank the AFP and the PCG for providing logistical support to deliver our relief assistance to the different areas badly hit by typhoon Odette. It happened, even if I was not there for photo ops. Critics will say, it’s still politics. Yes, politics of service, not interest,” saad ni Lacson.
Nauna nang nagbanta si Lacson laban sa “calamity politics” kung saan ginagamit ng ilang personalidad ang mga kalamidad tulad ng bagyo bilang paraan para pabanguhin ang kanilang sarili sa publiko. Ito aniya ang pinakamababang uri ng pangangampanya.
Binigyang diin din ni Lacson ang kahalagahan ng integridad sa serbisyo publiko kung saan ang mga lider ay dapat na patuloy na tumutulong kahit walang nakatingin. “This is the politics of service we badly need now,” ani Lacson.
Sa kanyang karera sa pagpapatupad ng batas, inimplementa ni Lacson ang “No-Take” policy mula sa gambling lords, suppliers at contractors na nakikipag-transaksyon sa Philippine National Police na nag-alok din mismo sa kanya ng suhol o hush money.
Mariin niyang tinanggihan ang mga naturang alok maging ang mga reward na nais ibigay sa kanya ng mga kamag-anak ng kidnap victims na kanyang niligtas dahil aniya ito ay parte lamang ng kanyang trabaho.
Bilang senador, ipinagpatuloy niya ang “No-Take” policy sa pamamagitan ng di pagtanggap sa kanyang pork barrel allocations pati mga lobby money mula sa ibang sektor kapalit ng paborableng pagpapasa ng batas. Tahimik din siya na nagpaabot ng tulong sa mga biktima ng kalamidad at mga indibidwal na humihingi ng anumang uri ng tulong.
Kasalukuyang tumatakbo si Lacson sa pagka-Pangulo sa ilalim ng Partido Reporma.
*****