
Marami pang magagawa ang kasalukuyang administrasyon sa natitirang anim na buwan kung may isang pamantayan lang ito sa pagsugpo sa korapsyon.
Binigyang diin ito ni Senador Ping Lacson dahil mataas aniya ang posibilidad na manakaw ang kaban ng bayan sa unang kalahating buwan ng 2022.
“Una, may Odette na dapat pagukulan ng pansin. Pangalawa, sa nalalabing buwan ng administrasyon, maraming kailangang tugunan lalo sa paggastos ng kaban ng bayan, pagbantay na iisa lang ang standard,” ani Lacson sa kanyang panayam sa TeleRadyo.
Related: Lacson: Outgoing Administration Can Make a Difference in Next 6 Months, Filipino Voters in Next 6 Years
Dagdag pa ni Lacson, napatunayan ng kasalukuyang administrasyon na may isang pamantayan silang sinusunod para sa kanilang mga kakampi, at ibang pamantayan naman para sa kanilang mga kaaway.
Ang pagiging selektibo aniya ang makakaantala sa maayos na pagpapatupad ng mga programa ng gobyerno.
Sinabi rin ni Lacson na dapat may sinusunod na rule of law sa pamamahala. “Otherwise, we’re lost as a country,” aniya.
Sa kabila nito, binigyang diin ni Lacson na malaki ang magiging kontribusyon ng taumbayan sa susunod na anim na taon sa oras na mahalal ang mga bagong lider ng bansa sa May 9, 2022.
“Dapat mag-discern tayong mabuti. Tayong lahat ang responsible kung sino mamumuno sa atin,” saad ni Lacson, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-Pangulo sa ilalim ng Partido Reporma.
*****
Like this:
Like Loading...