Inihahanda ng administrasyong Lacson ang muling pagbisita sa mga revenue laws at pagtuklas ng mga alternatibong mapagkukunan ng enerhiya upang matugunan ang mga problemang dulot ng walang tigil na pagtaas ng presyo ng petrolyo.
Ayon kay Partido Reporma chairman at presidential bet Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Miyerkules, ito ang mga solusyon na maaaring ituring na “doable.”
Aniya, isa sa mga opsyon ang muling pag-aaral ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law para suspendihin ang pagpapatupad ng pagtaas ng excise tax sa gasolina, sa rekomendasyon ng Development Budget Coordination Committee (DBCC).
Related: Lacson Administration to Have Practical Solutions to Unabated Fuel Price Hikes