Ping, Pinabulaanan ang Ulat na P915M Na Gastos sa Ads

Imposible na gumastos kami ng halaga na wala naman sa amin.

Pinabulaanan ni Partido Reporma chairman at standard-bearer Sen. Panfilo “Ping” Lacson nitong Linggo ang isang ulat na nagsasabi na siya ang top spender sa traditional media ads sa lahat ng presidential aspirants noong 2021.

Related: Lacson: No Way on P915M Ad ‘Spending’ Claim

“I asked my campaign team, volunteers and supporters about this. They insisted that they never saw, much less had this much money. No way we could have spent what we didn’t have. I asked them to check again – same answer,” ani Lacson sa kanyang Twitter account.

Base sa ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism, umaabot sa P915 milyon ang halagang nagastos ni Lacson sa kanyang media ads noong 2021.

Ayon sa PCIJ, ang mga numero na kanilang inulat ay base sa halaga na nakasaad sa published rate cards bago pa man bigyan ng diskwento ang campaign team ni Lacson.

*****