Isang demolition job laban kay Partido Reporma presidential bet Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson ang inilunsad ng isang grupo na diumano’y sumusuporta sa ibang kandidato na tila natatamaan sa campaign tagline ni Lacson na “Ubusin Ang Magnanakaw” na madalas gamitin ng senador sa kanyang campaign rallies.
“While I do not have the slightest intention to zero in on any particular person much less other candidates in my ‘Ubusin ang Magnanakaw’ narrative, I will not be cowed by such reports and threats of black propaganda via the so-called ‘Oplan Wasak’ being plotted by some groups apparently hurt by my anti-corruption campaign,” ani Lacson.
“I remain determined to stick to my guns in fighting all forms of corruption in government – the kind of corruption that robs our people of their hopes and future,” dagdag ni Lacson.
Base sa mga impormasyon na natanggap ni Lacson, isang political group aniya ang gumagastos sa naturang demolition job.
Hindi na bago kay Lacson ang mga ganitong uri ng harassment. Matatandaan na target sya noon ng paninira at pekeng impormasyon na ipinakalat nina Antonio Luis Marquez (a.k.a. Angelo “Ador” Mawanay), Mary Ong (a.k.a. Rosebud), at noo’y Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines chief Victor Corpus na kalaunan ay umamin sa kanilang kasinungalingan at humingi ng tawad kay Lacson. Ang mga pangyayaring ito ay nakasaad din sa librong “Deus Ex Machina” na isinulat ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
“For most of my career in public service, I was either eating death threats or smear campaigns for breakfast, lunch and dinner. This is not new to me. But it’s high time that the people wake up to the reality that unbridled corruption destroys our nation and the future of our children,” saad ni Lacson.