Ang executive order na nagtatakda sa Philippine Identification (PhiIID) o Philippine Identification System Number (PSN) bilang sapat na pruweba ng pagkakakilanlan para sa lahat ng transaksyon sa pribado at pampublikong sektor ay magreresulta sa mas mabilis na proseso hindi lamang para sa mga Pinoy kundi para na rin sa mga foreigners na nakatira at may negosyo sa bansa.
Binigyang papuri ni Partido Reporma standard-bearer Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa naturang executive order.
“Thank you President Rodrigo Duterte for this. Being an author/sponsor of the measure in the Senate and a longtime advocate of the National ID system like you, I support you unequivocally in this regard,” ani Lacson sa kanyang Twitter account nitong Miyerkules.
Related: Lacson: EO Institutionalizing National ID in Transactions to Make Filipinos’ Lives Better and Easier