Ipinahayag ni Senador Ping Lacson nitong Huwebes na napapanahon na para repasuhin ang minimum wage bilang tulong sa mga manggagawa na apektado ng pagtaas ng presyo ng langis bunsod ng sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ayon kay Lacson na kasalukuyang tumatakbo bilang Pangulo sa ilalim ng Partido Reporma, kadalasang isyu na naririnig nila ng kanyang Vice Presidential bet na si Senate President Tito Sotto mula sa kanilang mga kumustahan at town hall meeting ay ang pagtaas ng presyo ng bilihin.
“Napaka-timely ang panawagan ni Labor Sec. Silvestre Bello III na mag-meet ang tripartite wage board para pag-usapan kung kailangan na bang i-adjust ang minimum wage ng ating mga kababayan,” ani Lacson sa kanyang panayam sa Bombo Radyo.
Related: Lacson: ‘Balanced’ Minimum Wage Review Needed Amid Fuel Price Hikes