How time flies. Some 34 years ago, ako po in-appoint ng dating Chief PC, Gen. Ramon Montaño, na maging Provincial Commander ng PC sa Isabela… Ito ang panahon noong 1988, kalakasan ng NPA noon. Katunayan nang dumating ako rito sabi ng dati kong tauhan sa PC, ang iba city councilor na ngayon, na huwag magbibiyahe papuntang Tuguegarao kasi yan ang aming regional headquarters, ng lampas alas-kwatro kasi nag-checkpoint ang NPA sa highway. Sabi ko hindi pwedeng ganon dahil tayo ang PC di ba tayo dapat ang mag-checkpoint? So ganoon binaligtad namin, lagi kaming nag-checkpoint, natigil ang checkpoint ng NPA pero malakas pa rin sila noon. Nagtataka kami bakit ang lakas ng armas dahil nagkaroon ng pagkakasundo noon after EDSA Revolution. Ni-release ang political prisoners sina Joma Sison. At nagkaroon directly or indirectly ng coalition government. Nakapasok sila. Napansin namin ang lalakas ng armas so pag nasa gobyerno ang CPP NPA lumalakas ang pwersa nila within the government bureaucracy itself.
Sa isang araw na-raid ng NPA ang Jones, Isabela. Gabi noon, nagtataka tauhan ko susugod ako roon kasama lang ang aking security. Walang kumikibo. Sabi ko bakit walang kumikibo? Inawat nila ako. Dapat pag may raid na ganoon, medyo paghandaan ng pwersa. Galing ako sa Metrocom anti-carnapping, akala ko parang Manila kailangan responde agad. So lumipas ilang araw kami pumasok sa Jones sa sitio de kamay at kami nag-raid. Noon, ilang araw kami, nag-pitch tent at inaabangan namin ang nag-raid sa Jones. Natandaan ko si Retired Gen James Melad ang aking intel officer, Sir may na-develop tayong intel na pwede salakayin pero kailangan ng malakas na armas. Tumawag kami ng reinforcement sa Ilagan… Sabi ko magpadala tayo ng cal-30 machine gun para may laban tayo.
Noong gabi sabi ni Lt Melad pwede na salakayin ngayong gabi. So we did. Kinabukasan nakaalis an gaming reinforcement. Sabi ko pabalikin sa kampo kasi tapos na mission at pabalik kami sa Ilagan HQ. Ang namumuno ng reinforcement, Lt Rosauro Toda, Class 1986. Sa kasamaang palad, hindi namin makontak sa radio. Sabi ko tutal masasalubong natin isa lang trail palabas ng highway. Kasi na-ambush si Lt Toda at kanyang tauhan. Pero 1 minute bago ma-hit ang ambush site narinig namin ang putok, nagbabaan sa sasakyan, sabi namin napapalaban siguro ang tropa.
So yan ang nangyari. Ang NPA dahil paakyat ang trail at bent ang road, akala nila natiktikan sila ni Lt Toda, binakbakan sina Lt Toda, doon namatay, literally sa kamay ko namatay si Lt Toda noon at may sugatan akong sundalo noon. Kami ang lumabas na reinforcement sa halip na si Lt Toda ang mag-reinforce sa amin. Ito ang twist of fate dahil kung hindi kay Lt Toda at kung nakontak namin sila sa radio at pinabalik sa Ilagan, ako tiyak na patay, wala ako rito ngayon kasi ako ang nakasakay sa Kennedy-type jeep na open, obvious ako ang PC kasi ako sa unahan ng convoy. But dahil ang unang naka-hit ng ambush site si Lt Toda, sila ang nabakbakan ng NPA. So nagantihan namin. Kami nag-reinforce at tumakas ang NPA pero may trail ng dugo. Kasi pababa yan parang bangin ang kanilang pinagtakasan.
Yan ang mahiwaga sa buhay ng tao. Ang kampo sa Ilagan, ang provincial HQ, pinangalanan kay Lt Toda, Camp Lt Rosauro Toda, Class 1986 ng PMA.
So yan ang ating laging tinitingnan sa ating buhay. May pangyayari na dapat may mangyari sa yo hindi nangyayari dahil may nag-intervene sa taas. O kaya talagang yan ang Fate. Dahil sabi ko nga wala ako sa harapan ninyo ngayon at malaking story, Provincial Commander na-ambush ng NPA, patay. Dahil yan talaga pati pagkabuhol ng talahib nakatutok sa aming panggagalingan. Sa akin talaga ang ambush na yan. Nagkataon lang isang minute ang pagitan at sa kasamaang palad si Lt Toda ang napatay, 4 sa aking tauhan sugatan. Dinala namin sa ospital at ginamot.
So yan ang isang aral sa buhay na dapat nating pag-isipan ding mabuti. Sa buhay ng tao maraming bagay na hindi natin kayang ma-control. Maraming bagay na hindi natin inaasahan na nangyari. At ang inaasahan natin hindi nangyayari. Ito isang leksyon sa buhay na ako on my part hindi ko makakalimutan. Kaya ako nagbibigay pugay sa pagdating ko rito din kay Lt Toda na nagbuwis ng kanyang buhay para sa ating Inang Bayan.
Kaya po sa ngayon ako ay napapalaban ng debate sa Twitter sa mga kabilang kampo dahil napag-alaman mismong si Pangulong Duterte yesterday kinumpirma niya ang report ng intelligence community na may naka-infiltrate na CPP-NPA. Ito nakakapangamba. Dalawang beses natin naranasan yan. Pag nakapasok ang CPP NPA sa ating pamahalaan, lalakas at lalakas na naman sila. Bakit ko sinasabi ito? Sa pangkasalukuyang administration napakalaki napakaganda ng momentum. Ang dating higit 70 pag-upo ni Pangulong Duterte na guerrilla front, ngayon na-reduce sa 43. At maganda ang kanilang gains sa pagtapos ng insurgency.
Ang ating insurgency, limang dekada na ito. Pinanganak ang NPA sa Jones 1969. So since 1970, mahigit 2000 nagbuwis ng buhay. Kaya … natin matatapos ang problema ng insurgency para magkaraoon ng katahimikan at prosperity ang ating bansa. Kasi tayo nagsa-suffer. Businessmen natin may revolutionary taxes. Sinusunog ang equipment sa bundok hindi lang dito, sa iba’t ibang lugar ng kapuluan. So dapat talaga I think the Philippines deserves a better peace and order and prosperity.
So yan lang ang ating masasabi ngayong umaga. Dapat magkaisa-isa na tayo para ang kapayapaan, katahimikan, mamayani sa ating bansa at tuloy umasenso na tayong lahat. Maraming salamat po at magandang umaga sa Cauayan City at sa Isabela.
*****