Speech at the Consultative Meeting in Tuguegarao

Tuwing kami haharap sa mga tao, ayaw naming kami lang ang nagsasalita. Gusto namin may ugnayan. Marami kaming natututunan at naibabahagi sa ating mga kababayan sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Kanina, galing kami sa Brgy Cataggaman Nuevo, may natutunan kami kay Mayor Jeff Soriano. Dati once a week, ngayon twice a week, meron siyang People’s Day.

Ano itong People’s Day? Siguro alam na ng karamihan sa inyo ito. Ang People’s Day, ito maganda, i-apply sa Isabela pag upo nyo bilang mayor. Minsan dalawang beses sa isang linggo nilibot ang barangay sa Tuguegarao, naka 3-4 rounds. Iniimbita ang national line agencies, OWWA, PAO, DILG, PNP, PhilHealth. Lahat na line agencies nariyan sa tabi. At ang tao sa barangay lahat na may concerns, nariyan. At si Mayor Soriano nangangasiwa ang tao sa buong brgy sa Tuguegarao dalawang beses sa isang linggo bawa’t barangay, sila ang pinuntahan ng line agencies. Sa halip na sila babangon ng maaga, sasakay ng tricycle, maglalakad ng mahaba, lilipat ng jeep para lang pumunta sa siyudad galing sa brgy para humingi ng tulong.

Napakaganda, napaka-innovative ng kanyang konsepto. At ginagawa niya. Lahat ng pangangailangan ng mga tao nariyan na lahat. Dinala ni Mayor Soriano ang gobyerno sa mga tao sa halip na ang tao pupunta sa gobyerno. Napakagandang konsepto at ito ang aming ipapamahagi sa aming paglilibot sa iba’t ibang sulok ng kapuluan nang sa ganoon tularan, pamarisan sa buong Pilipinas ang ginagawa ni Mayor Jeff Soriano. Saludo po kami sa inyo, Vice Mayor de Guzman at members ng city council ng Tuguegarao City dahil sa napakaganda nilang sinimulan.

Hindi lang People’s Day na walang katuturan, People’s Day na magkikita-kita lamang at magkukuwentuhan. Yung kanilang ginagawa, pambihira. Hindi lang kwentuhan, talagang serbisyo publiko. Ang serbisyo publiko ang pupunta sa tao, hindi tao ang pupunta para maghanap ng paglilingkod ng kanilang tinatawag na public servants.

So yan lang po ang gusto kong ibahagi at maya-maya gusto namin magkaroon tayo ng malawakan at malayang dialog. May senior citizens, may mga barangay officials. At gusto namin matugunan kung kaya naming sagutin. At kung hindi, itatanim namin sa aming isipan, pag-aaralan namin, nang sa ganoon pagdating ng araw, alam namin ang gagawin.

Pero bago kami pumunta rito pinag-aralan namin nang napakatagal kung anong problema ng aming bansa. Napakarami. Pangunahin ang pandemya. Sa kabutihang palad pa-transition tayo sa endemic, mababa na. Sa Isabela nga, isang araw parang nag-zero ang kaso. Napakaganda. Sana magtuloy-tuloy na. At gawa ng pandemic dumating ang kawalan ng trabaho, walang kabuhayan, lumaki ang utang natin, nasabayan pa ng WPS, at napakaraming problema tulad ng corruption.

So yan ang aming matagal nang pinag-aralan para nang sa ganoon sa pakikipagugnayan natin sa tao sa iba’t ibang lugar sa PH alam natin more or less kung anong pwedeng solution. Tough problems call for tough solutions from tough leaders. Kami yan ni Senate President Tito Sotto. Maraming salamat po.

*****