
Kung hindi man isususpinde o ipapatigil ng Executive Department ang e-sabong, mas mainam na magpatupad ng istriktong panuntunan para rito, ayon kay Senador Ping Lacson.
Ayon kay Lacson, may social cost na kapalit ang patuloy na pamamayagpag ng e-sabong lalo na sa mga bata at matatanda na malululong sa sugal na ito.
“At least man lang strict regulation. Huwag 24 hours,” panawagan ng senador sa isnag presscon sa Maddela, Quirino nitong Miyerkules.
Related: Lacson: Strict Regulation Needed for E-Sabong
“Dapat mahigpit regulatory authority ng Pagcor,” dagdag pa nito lalo na’t mahirap i-monitor ang online nature ng e-sabong.
Paliwanag pa ng senador, mapanganib ang maaaring maging resulta ng pagpapatuloy ng e-sabong lalo na’t may mga ulat na may ilang OFWs na hindi nakakauwi dahil sa utang mula sa pagsusugal o kaya naman ang mga magulang mismo ang sumasalo ng pagkakautang ng anak mula sa e-sabong.
Mayroon din aniya na mga ulat na nagpapakamatay dahil dito maging ang mga napapaulat na pulis na nagnanakaw sa convenience store para makabayad sa utang.
“Ito ang hindi tangible pero lumalabas na may nangyayaring actual problema sa e-sabong,” giit ni Lacson. Dagdag pa niya, P1.6 bilyon na kita sa e-sabong kada araw ay nanggagaling sa mga ordinaryong Pilipino na nalulong na sa sugal na ito.
Para sa senador, maraming mas maayos na paraan para makalikom ng pondo tulad ng tamang pagpapatupad ng batas sa buwis, at pagrerepaso sa mga batas tulad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.
Pagbabahagi ng senador, nagpanukala sya na amyendahan ang TRAIN law para mabawasan ang exemptions sa Value-Added Tax ngunit mas marami ang bumoto sa Senado laban dito.
Kabilang din sa posibleng gawin ng gobyerno ang pag-digitalize ng mga transaksyon sa gobyerno para masiguro na wala nang magiging puwang ang human intervention at korapsyon sa mga proseso ng gobyerno.
*****
Like this:
Like Loading...