
Sinuportahan ni Senador Ping Lacson ang panukala na magpatupad ng 4-day workweek para makaluwag ang mga Pinoy sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
Ani Lacson, makatutulong din ito para mas magkaroon ng oras ang mga empleyado kasama ang kanilang pamilya.
“As long as daily wage earners will be compensated for their extended hours of work which should be equivalent to five days,I will support that four-day workweek para matipid ang gamit ng fuel. Magandang suggestion and I think we should support that,” ayon kay Lacson.
Related: Lacson Supports 4-Day Workweek to Cope with Fuel Price Hikes
“Maganda yan. Magtitipid ang gasolina from Friday to Sunday, or at least Friday, mababawasan ng isang araw. Anong cost sa common employees? Magtatagal sa office but he/she can spend more time with the family,” saad ng mambabatas sa isang presscon sa Maddela, Quirino nitong Miyerkules.
Kamakailan ay inirekomenda rin ni National Economic and Development Authority head Karl Chua ang 4-day workweek para makabawas sa gastusin ng ordinaryong Pilipino sa pagkain at transportasyon.
Samantala, handa naman si Lacson na talakayin ang naturang panukala kay Finance Secretary Carlos Dominguez III na isuspinde ang excise tax sa langis para makatulong sa lahat ng apektado ng oil price hike.
Sinabi rin ng presidential aspirant na kukulangin ang panukala ng Department of Finance na magbigay ng P200 ayuda kada buwan sa pamamagitan ng unconditional cash transfer.
Mas praktikal aniya ang suspendihin ang excise tax kapag umabot na ang presyo ng langis sa limit at ipatupad nalang ulit ito kapag bumaba na sa itinakdang threshold ang presyo ng langis.
“Siguro kung nagkaroon kami ng chance to meet with Sec. Dominguez,” sabi ng senador.
Ibinahagi rin ni Lacson na bagama’t aabot sa P131 bilyon ang mawawalang kita ng gobyerno sa oras na suspendihin ang excise tax, umaasa siyang hindi naman tatagal ang ganitong sitwasyon na bunsod ng tensyon sa Ukraine.
*****
Like this:
Like Loading...