“We Have a Leader!”
Ito na ang bagong tema ng kampanya ni independent presidential aspirant Senador Ping Lacson matapos ang kanyang pagbibitiw sa Partido Reporma.
Sa kanyang panayam nitong Lunes, ipinaliwanag ni Lacson na ang kanyang bagong slogan ay hango sa “We Need a Leader” ni dating Speaker at Reporma president Pantaleon Alvarez, ngunit ginawa nyang mas maganda at naaangkop ito sa kasalukuyan niyang kampanya.
Related: ‘WE HAVE A LEADER!’ Lacson Updates Presidential Campaign Slogan
“Kung hindi na para sa akin yan since siya ang unang nag-concoct ng phrase ‘We Need a Leader,’ I might reconsider tweaking it. We’re going to adopt probably something like ‘WE HAVE A LEADER.’ Mas maganda di ba?” ani Lacson.
Sinabi rin ni Lacson na may sapat siyang pondo para ipagpatuloy ang kanyang kampanya hanggang Mayo bunsod ng patuloy na suporta ng kanyang mga kaibigan sa kanyang mithiin para sa bansa.
May pagbabago rin aniya sa messaging ng kanyang kampanya para maialis sa isip ng botante na masasayang lang ang kanilang boto kapag siya ang pinili dahil sa mababang survey results.
Mas pipiliin aniya na dumirekta na makipag-usap sa tao sa halip na sa political leaders, karamihan sa mga ito ay taliwas sa kanyang tindig laban sa pork barrel.
“I’m directly banking on voters who will signify their intention to actually vote for me,” saad ni Lacson.
*****