Ping, Humuhugot ng Malaking Suporta mula sa Cavaliers, Mga Kaibigan

Malaking suporta ang pinaghuhugutan ni independent presidential candidate Senador Ping Lacson mula sa kanyang Cavaliers at kaibigan sa kasagsagan ng kampanya.

Aniya, mas lalo siyang nahikayat sa ipinalabas na manifesto of support na nilagdaan ng mahigit 100 miyembro ng Lacson-Sotto Support Group (LSSG), na kinabibilangan ng retired Generals at alumni ng Philippine Military Academy, na Alma Mater ni Lacson.

“It is an understatement to describe the event — ‘emotionally uplifting and inspiring to watch our cavaliers and friends display their sincere and all-out show of support and unequivocal commitment to our shared advocacy for the betterment of our country and people,'” ani Lacson.

Related: Lacson Draws Inspiration from Cavaliers, Friends’ Show of Support

“Truth to tell, it actually hit my emotion deeply while listening and watching the replay of the event on Facebook. Maraming maraming salamat po sa inyong lahat!” dagdag ni Lacson.

Ani Lacson, pinanood niya ang replay ng event sa Facebook matapos ang kanyang tatlong araw na sortie sa Zamboanga Peninsula.

Sinabi ni Lacson na mas nakakapagpalakas ng kanyang loob ang mga nabasa niyang pahayag ng suporta mula sa kanyang kasamahan sa PMA at mga kaibigan kabilang na rito sina dating Department of Information and Communications Technology Sec. Eliseo Rio, dating Bureau of Land Transportation (ngayo’y Land Transportation Office) head Col. Mariano Santiago, at retired M/Gen Carlos Tañega; dating Department of National Defense Undersecretary Honorio Azcueta at dating opisyal ng gobyerno kabilang na sina dating Defense Secretary Orlando Mercado at Bureau of Internal Revenue chief Atty. Kim Henares.

Sinabi ni Rio na hindi dapat sayangin ng mga botante ang kanilang boto sa mga hindi karapat-dapat na kandidato. Sa parte naman ni Acop, mariin nilang sinabi na patuloy ang kanilang suporta kay Lacson.

Lumagda sa isang manifesto ang mga Cavaliers at mga kaibigan ni Lacson na nagpapahayag ng suporta sa kanyang kandidatura dahil sa mga sumusunod na dahilan:

* Track record ni Lacson bilang law enforcer kung saan marami siyang ipinaaresto na kriminal at mga korap na indibidwal; at dahil sa kanyang tapat na pagsunod sa Code of Honor na natutunan niya sa PMA;

* Kanyang tindig laban sa korapsyon at hindi pagtanggap sa kanyang pork barrel allocations;

* Sa kanyang pakikipaglaban sa soberanya sa West Philippine Sea at sa pagbisita niya sa Pagasa Island para makita nang personal ang sitwasyon sa lugar;

* Sa kanyang tapat na pamumuno partikular na sa Philippine National Police, kung saan naibalik niya ang tiwala ng taumbayan sa kapulisan;

* Sa kanyang patuloy na paglaban sa korapsyon at sa pagpoprotekta sa kaban ng bayan.

“Kaya sa darating na halalan sa May 9, 2022, lubos naming susuportahan si Ping Lacson at aming inaanyayahan ang mga kapwa naming makabayang Pilipino na samahan kami sa pagpapasiyang ito dahil si Ping Lacson lamang sa hanay ng mga kandidato ang sagot sa ating matagal nang inaasam na tunay na pagbabago, hindi lamang sa gobyerno, kundi sa buong bansa,” saad ng mga lumagda sa naturang manifesto.

Patuloy na nakikipag-usap sina Lacson at ang kanyang ka-tandem na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III upang maiparating ang kanilang mensahe direkta sa tao. Sa kasalukuyan, tinatayang 40 porsyento ng soft votes ang lumalabas na para sa Lacson-Sotto tandem. Ibig sabihin nito, patuloy silang kinokonsidera ng mga botante ngunit nag-aalinlangan na iboto sila dahil sa dika ng survey.

Para sa Lacson-Sotto tandem, kailangan nang matuto ng taumbayan na magdesisyon para sa sarili nila at huwag sayangin ang kanilang boto sa mga hindi kwalipikadong kandidato. Anila, hindi dapat nila sayangin ang kanilang boto at piliin ang kandidato na may sapat na karanasan at integridad sa serbisyo publiko.

*****