Target ng fake news si independent presidential bet Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson kung saan sinasabi na kinansela niya ang kanyang pangangampanya sa Bicol, partikulatlt na sa Naga, Camarines Sur ngayong Biyernes.
Ayok sa mga local organizers, may nagsabi raw sa local media na dadalo sana sa kampanya sa Naga na kanselado na ang pagbisita ng independent presidential aspirant.
Related: Lacson Camp Scores Fake News that Bicol Sorties ‘Canceled’
Pinasinungalingan ito ng tagapagsalita ni Lacson na si Ashley Acedillo.
“We are no longer surprised by such tactics as Election Day draws closer. That said, it does not take away the disgust over the the acts of whoever is/are behind this fake news,” ani Acedillo.
“It is worth repeating that votes for Ping Lacson and his running mate Tito Sotto are votes for much-needed leadership to fix our country’s ills,” dagdag ni Acedillo.
Sa ngayon, ibinahagi ni Acedillo na patuloy silang nangangalap ng impormasyon hinggil sa ipinakalat na fake news.
Kasama sa mga aktibidad ni Lacson sa Bicol ang serye ng courtesy call at town hall meeting sa Catanduanes, Naga at Albay.
*****