Deserve! Papugay Para sa mga Sundalong Nagsugal ng Buhay Para Sagipin ang Indo Fishers sa Abu Sayyaf, Tiniyak ni Lacson

Higit sa mga matataas na opisyal, dapat bigyang pugay at parangal ang mga sundalong nagsusugal ng buhay para sa bayan.

Iginiit ito ni Senador Panfilo “Ping” Lacson, nang itinulak niyang isama sa resolusyon kaugnay sa pagsagip ng mga Indonesian fishermen laban sa mga Abu Sayyaf noong Disyembre 2019 ang pangalan ng higit 50 sundalo na nagsagawa ng rescue operation.

“Praise the commanders to high heavens if we must; just don’t forget the soldiers who literally risked their lives to make the feat happen,” ani Lacson, chairman ng Senate Committee on National Defense, sa kanyang Twitter account nitong Lunes ng hapon.

Related: Lacson Ensures ‘Lower-Ranking’ Soldiers in Indo Fishers’ Rescue are Equally Recognized

Ayon kay Lacson, dapat isama ang mga pangalan ng mga opisyal at sundalo na naging bahagi ng nasabing rescue operation, hindi lamang sa supporting documents, kundi sa mismong katawan ng Senate resolution.

Sa pamamagitan ng resolusyon, makakatanggap ng parangal sila Defense Secretary Delfin Lorenzana at dating Armed Forces Chief of Staff Gen. Cirilito Sobejana mula kay Indonesian President Joko Widodo.

Ayon kay Sen. Aquilino Pimintel III, bagamat hindi kasama ang mga pangalan ng higit 50 sundalo sa concurrent resolusyon sa Kamara, maaari naman nilang isama ang mga pangalan sa bersyon nito sa Senado.

“I would like to think that we should include their names in the resolution as proposed, because they are the men on the ground. They risked their lives more than Sec. Lorenzana and former Chief of Staff Sobejana. They deserve to be cited in the proposed resolution,” ani Lacson.

*****

One thought on “Deserve! Papugay Para sa mga Sundalong Nagsugal ng Buhay Para Sagipin ang Indo Fishers sa Abu Sayyaf, Tiniyak ni Lacson”

Comments are closed.