Pagbaba ng VAT Rate at Pag-alis ng Exemptions, Itinulak ni Ping Para Makalikom ng Pondo ang Gobyerno Para Bayaran ang Utang

Itinulak ni Sen. Ping Lacson ang pagbaba ng rate ng Value-Added Tax (VAT) at pagtanggal ng exemptions dito para makalikom ng pondo ang gobyerno na hindi dadagdag sa pabigat sa ordinaryong Pilipino.

Ayon kay Lacson, kung nasunod lang ang formula na isinulong niya noon pang 2018, maaari nang lumikom ng hindi bababa sa P117 bilyon kada taon na dagdag na tax revenues kahit na binaba ang VAT rate sa 10 percent mula sa kasalukuyang 12 percent.

“The Department of Finance should have adopted my proposal when Congress was deliberating on Train 1. We could have earned at least P117 billion in additional tax revenues in 2018 alone, even with a reduced VAT rate from 12% to 10%, by removing 78 lines of exemption from some sectors such as the power sector, cooperatives, housing, and economic zones,” ani Lacson, matapos mapaulat na isusulong ng Department of Finance sa susunod na administrasyon ang pagtanggal ng VAT exemption para makalikom ng P142.5 bilyon kada taon. Ang pondo diumano ay gagamitin para bayaran ang utang ng bansa.

Related: Lowering VAT Rate, Cutting Exemptions: Lacson Pushes Formula to Shore Up Revenues

“If we managed to broaden the tax base four years ago, imagine how much more revenue we could be generating now,” dagdag ng mambabatas.

Ayon kay Lacson, hindi bababa sa 143 ang lines of exemption sa VAT sa Pilipinas, at ito ay ginamit ng ilang kumpanya noon pang 1990s. Dahil dito, tinablan ang maaaring makuhang dagdag na pondo galing sa mas mataas na VAT rate.

“Lifting the exemptions from only 78 non-essential lines even with a lower VAT rate of 10 percent could generate an incremental revenue of P117.099 billion from VAT alone,” aniya. Dagdag ni Lacson, ang pagtanggal ng mga exemption na ito ay magpapaangat sa tax efficiency bunga ng simplified tax administration at mas maliit na pagkakataon para sa tax evasion.

Iginiit ni Lacson na ang exemptions sa VAT ay i-limit sa “necessities” tulad ng pagkain, agrikultura, kalusugan at edukasyon para maging “simpler, fairer and more efficient” ang sistema ng VAT.

Ayon din kay Lacson, dapat ibaba ang rate ng VAT mula 12% sa 10% – aniya, mas maayos ang ekonomiya ng ibang bansa na may mas mababang VAT rates pero mas kaunti ang exemptions.

“Our neighbors like Malaysia has a VAT rate of only six percent but VAT exemptions are given only to 14 entities. Thailand has a seven-percent VAT rate but gave exemptions to 25 firms; here in the Philippines, we have around 143 companies enjoying VAT exemptions,” ani Lacson.

*****