Umaasa si Senador Panfilo “Ping” M. Lacson na ipagpapatuloy ng mga Senador ng 19th Congress ang krusada sa pagbubusisi at pagbabantay sa national budget laban sa mga kuwestiyunableng congressional insertions (a.k.a “pork barrel”) at mga hindi kapaki-pakinabang na appropriations.
“I hope somebody will take the cudgels and continue the fight because while the Supreme Court has ruled pork barrel as unconstitutional, there are so many ways to go around it,” pahayag ni Lacson sa media noong Linggo ng gabi sa Pasay City.
Idinagdag din ng Senador na magtatapos ang termino sa ika-30 ng Hunyo, na makakatulong nang husto sa budget scrutiny ang ilang miyembro ng kaniyang staff na ngayo’y magiging bahagi na rin ng opisina ng ibang mga senador.
Related: Lacson Hopes 19th Congress Senators to Continue Budget Scrutiny
Alinsunod sa reputasyon ni Lacson bilang eagle-eyed watchdog ng national budget ang kaniyang paninindigan na hindi kakayanin ng bansa na magkaroon ng pork barrel sa bugdet, dahil ito ang nagsisilbing dugong bumubuhay sa bayan. “The budget is the lifeblood of our economy,” aniya.
Sa loob ng labing walong taon ng pagiging senador, mula 2001-2013, at 2016-2022, nakatipid ng humigit kumulang P300 billion si Lacson sa kaban ng bayan sa pamamagitan ng kaniyang mabusising pambabatikos sa mga iregular at hindi katanggap-tanggap na proyekto sa national budget.
Bago pa hinatulan ng Korte Suprema na unconstitutional ang PDAF, sinigurado na ni Lacson na ang nakalaang Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa kaniya na tinatayang P200 million kada taon mula 2001-2013 ay ibinabalik nang buo sa National Treasury.
Kaya naman, ang payo ni Lacson sa mga bagong senador ng 19th Congress ay paghusayan ang pagkalap ng impormasyon at pangibabawan ng kababaang loob ang pag-aaral sa pasikut-sikot ng lehislatura.
“Humility is a virtue. If you are a new senator, be humble, be modest and try to learn the art of legislation,” aniya.
Sa isang banda, bukas din ang senador na ibahagi sa bagong administrasyon ang kaniyang Budget Reform Advocacy for Village Empowerment (BRAVE), o ang pagbaba ng pondo sa lokal na pamahalaan, ng sa gayon makapagpatupad sila ng kaniya-kaniyang proyektong pang-kaunlaran.
“Through BRAVE, local government units can get an equitable share of resources so that on their own, they can be competitive,” pahayag ni Lacson.
*****
Devolution of Budgeting process is Senator Lacson’s most brilliant vision for our country. May the vision be carried on!