Pagtatanim at Food Security, Bagong Kabanata sa Buhay ni Ping

Sa pagtatapos ng termino sa Senado ni Senador Panfilo “Ping” M. Lacson sa ika-30 ng Hunyo, tila pagbubukas ng isang panibagong kabanata ng buhay naman ang kanyang kinikinita – ang makapag-ambag sa food security ng bansa sa pamamagitan ng pagtahak sa isang agri-aqua business kasama ang ilang kaibigan, kabilang ang dating kalihim ng agrikultura na si Secretary Emmanual “Manny” Pinol.

“I’m just looking at a closed chapter in my life story. I’m now turning a new page with a new chapter. This is my third career. My first career was in law enforcement, then I became a legislator,” ayon kay Lacson sa isang panayam nitong Linggo ng gabi.

Related: Lacson Seeks to Contribute to Food Security after Senate Stint

Nais palakasin ni Lacson at ng mga kasamahan ang agrikultura ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagtatanim ng sorghum na puno ng protina, habang nakikiisa sa mga small-scale feed mills, hatcheries at fish cage farming sa Mindanao at Luzon.

Gayundin ang makapag-ambag para tulungang maging food-sufficient ang Pilipinas at makapagbigay ng karagdagang kabuhayan sa ating mga lokal na magsasaka bukod pa sa kinikita nila tuwing panahon ng pagtatanim ng palay.

Nitong ika-19 ng Huyo, Father’s Day, binisita ni Lacson, Pinol at iba pang kaibigan ang isang lupa sa Pangasinan para inspeksyunin ang kalidad ng lupang pagtataniman.

Ayon kay Lacson, makakatulong ang kanilang mga hakbangin para pangalagaan ang ating mga magsasaka laban sa epekto ng importasyon ng ilang mga produktong pang-agrikultura, habang sinisiguradong may sapat na pagkain pa rin para sa bawat Pilipino.

Sa mga nakaraang pagdinig ng Senate Committee of the Whole tungkol sa agricultural smuggling, si Lacson kasama ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III mismo ang sumalo sa hinaing ng mga magsasakang tinamaan ng husto ang kabuhayan dahil sa importasyon.

“Food shortage has become a global concern, further aggravated by Russia’s invasion of Ukraine. It is timely that agri-aqua businesses be encouraged by both the public and private sectors,” dagdag ni Lacson.

Sa darating na ika-30 ng Hunyo, magtatapos ang higit 50 taon ng serbisyo publiko ni Sen. Ping Lacson na nagsimula noong 1971, nang maglingkod siya bilang sundalo at pulis sa Philippine Constabulary at Philippine National Police para protektahan ang mga mamamayan laban sa mga banta sa ating pambansang seguridad – kasama na rito ang kaniyang panunungkulan bilang PNP Chief mula 1999-2001.

Mula 2001-2013 at 2016-2022, pinrotektahan ni Lacson ang mamamayang Pilipino laban sa korapsyon sa pamamagitan ng adbokasiya niya sa pagbabantay at pagbubusisi ng national budget. Sinigurado ni Lacson na matatanggal at hindi pagkakagastusan ng kaban ng bayan ang mga maanomalyang proyekto.

*****

One thought on “Pagtatanim at Food Security, Bagong Kabanata sa Buhay ni Ping”

Comments are closed.