Interview sa Radyo 5 | January 5, 2023

QUOTES from the interview…

SILG Abalos’ COURTESY RESIGNATION call to PNP colonels, generals:

Unang una, hindi bago ito. Alam natin ginawa ito ni late PFVR in 1992 pag upo niya although iba ang reason noon. Ang reason noon, hindi malaman kasi napakaraming heneral noon mostly RD. Ang individual equipment ng pulis, combat boots, uniforms, nagkaroon ng maraming ghost delivery kung saan ang usapan papipirmahan sa RD pa-acknowledge ang receipt pambili ng equipment, yet wala namang darating. Ang hatian 65% ibabalik sa Crame at 35% sa opisyal sa region. Malala ang problema, corruption ang naging issue.”

“Ngayon ang sinasabing issue, ang tungkol sa illegal drugs. Medyo privy tayo sa info na after noong seizure ng 990 kg ng shabu napakaraming lumabas na pangalan hindi lang ng mabababang ranggo kundi matataas na opisyal na maaaring sangkot. Hindi conclusive na sangkot e kung dadaan sa due process, napaka-tedious. So doon mo nakikita ang wisdom ng panawagan na mag-tender ng resignation lahat na from full colonel to lahat na ranggo all the way to CPNP hanggang 4-star general.”

“Sa tingin ko naging successful ang pamamaraan na ginawa ni late PFVR. I hope magiging ganoon din ang resulta na positibo kung isasakatuparan itong gagawin sa ngayon.”

“(Ang pagpalit ng proseso), medyo matagal din yan. It might take legislation. Ang legislative work hindi din ganoon kasimple at ganoon kadali gawin kung babaguhin natin ang proseso. Ilang amendments na rin ang RA 6975.”

“Marami kaming na-dismiss noon. Noong nagpalit ng administrasyon, nagbalikan. Hindi lang sistema kundi a lot of human factors involved dito. Kasi pag nagpasukan ng pulitika at hahabulin at gagamitin pang panghabol ang mga dating scalawag na natanggal, talagang magkakaloko-loko. Magiging vicious cycle ang sistema.”

“Alam mo ang napakailap na leadership by example, yan lang bottom line sa akin. Kasi walang susunod sa iyo kung ang pine-preach mo hindi mo naman pina-practice.”

Lifestyle Checks and Certainty of Punishment vs Corruption sa PNP:

“Dapat nga, hindi i-limit sa involvement sa illegal drugs. Dapat isama rin ang issue ng corruption sa PNP kaya importante ang lifestyle check. Doon sa pamamaraan na yan siguro, kung paano ipo-process ang courtesy resignation para ma-determine kung sino tatanggalin o sino ia-accept ang courtesy resignation at sino ide-decline, mas maganda kung kasama ang lifestyle check. Pero hindi lang tungkol sa illegal drugs. Dapat isama na rin kasi nandiyan ang corruption.”

“Hindi lang sa procurement system ng PNP kundi sa labas, may full colonel at heneral na nagto-tolerate o sila mismo nagko-commit ng corruption ang gamit ang kanilang ranggo o kanilang serbisyo.”

“Maski sa US may napanood ang documentary kung saan ang buong police force sa county sa New Orleans, involved sa drugs. Sila mismo nagbabantay sa bodega. Mabuti ang FBI talagang napaka-tedious at systematic ang ginawang paghuli. Convicted, nabigyan ng death penalty ang pinaka-mastermind ng pulis sa county ng New Orleans. So ganoon talaga, dapat may will talaga on the part of management or leadership na isakatuparan. Walang sinisino dapat.”

“Kailangan kitang kita ang mga sangkot talagang napaparusahan. Di lang napaparusahan pansamantala, kundi talagang for good. Tanggal sa serbisyo, nakulong, nasentensiyahan, at nakita nating pinagbabayaran pinagdudusahan ang kanilang kasalanan.”

*****