On Ex-DOH Sec. Duque’s Claim that Former President Duterte Ordered Transfer of P47.6B Covid Funds to PS-DBM

Image from Presidential Communications Office

Hindi lang napakalaki kundi complicated ang implication ng pahayag ni ex-DOH Sec. Francisco Duque III lalo na sa legal na usapin.

Dapat ay linawin niya kung iniutos arbitrarily ni former President Rodrigo Duterte or he merely acted on the recommendation of DOH, PhilHealth or IATF sa pag-transfer ng P47 bilyon sa PS-DBM.

Una, may umiiral na jurisprudence (Arias vs Sandiganbayan) na kung saan inaabswelto sa criminal liability ang isang pinuno ng ahensya ng gobyerno kapag siya ay nag-apruba lamang ng rekomendasyon ng kanyang mga tauhan kahit mali pa ito.

That being said, may isinampa nang kaso ang Ombudsman in relation to the Pharmally case na inimbestigahan namin noon sa Senado. Ginawa lang ba ni Duque ito para pangdepensa sa sarili niya? Hindi naman kasi binanggit ni Duque noon ang pagdawit niya ngayon kay FPRRD.

*****

Discover more from PING LACSON

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading