Former Sen. Ping Lacson airs his views on the tension at WPS and on POGOs.
QUOTES and NOTES:
* WPS ISSUE:
Resolving Tension Between PH and China at WPS:
Maganda na sana ang joint exploration noon. Ang problema, nahaluan ito ng NBN-ZTE. Kung di nahaluan noon natuloy na sana… ako na nag-suggest (kay then President Duterte), Mr. President, symbolic ito, halimbawa on paper makitang 60-40 at kung karga ng China ang ilalabas na puhunan, ok na yan. Ang mensahe sa international community napakalakas. Dahil ang ating Constitution sinasabi 60-40 pag may foreign investors. E napakaganda ng mensahe noon, parang in-acknowlege ng China na ayon sa ating Constitution, 60-40 ang hatian. Sa atin naman magandang mensahe din yan na talagang atin ito kasi Constitution natin ang sinunod.
Hope springs eternal (for joint exploration), sabi nga nila. So dapat talaga kung maipagpatuloy ang paguusap na ito at matutuloy, malaking tulong sa ekonomiya ng ating bansa. Tulad ngayon, sabi ni DOF Sec. Recto, ang katumbas na inuutang natin P4B a day. Isipin mo. Para matustusan sa 1 taon tataas na naman ang budget natin sa P6.3T na. Di natin kinikita yan, ang tax and non-tax revenue natin kulang na kulang so mag-resort tayo sa pangungutang. Lalo ngayon bagsak ang peso sa dollar nasa P58 to $1 so lalaki ang binabayaran natin kasi dollar-denominated. Doon pa lang lugi na tayo eh. Mga inutang natin noong nakaraan.
Balance of Power and Diplomacy:
Ito sa akin lang, while mina-maintain natin ang balance of power na hindi lang gamit ang MDT sa US, kasi marami na ring bansang interesado yung European countries, Germany, France lahat nagpapahayag sila. At maganda ang nangyayari, tulong ng ating kababayan ang civilian na NGO, ang Atin Ito Movement, nag-ge-generate ito ng awareness sa international community. Ang Australia, Japan, marami tayong kakampi diyan. So ito dapat laging umiiral ang balance of power. At the same time tahakin natin ang diplomatic channels natin with China. Sinabi ko nga kanina wala tayong kalaban laban, wala tayong itatapat. Para tayong langgam na itatapat sa elepante isang tapak sa atin wala talagang tayong maipoporma. Pero meron tayong territorial integrity at sovereignty na siyempre dapat natin ipaglaban. Di tayo dapat pumayag na sige lang ibigay natin sa kanila yan. Una na-reinforce pa ito ng arbitral ruling tayo may karapatan kaso hindi natin ma-enforce.
Alagaan ang BRP Sierra Madre:
Medyo smart ang move ng PH Navy kasama ang PH govt na di ito decommissioned. Why? Because that remains a commissioned PH Navy vessel. Kaya di ma-assault ng China, pwede basta alisin ng China yan, bakit di nila ginagawa? Nag-alala sila kasi commissioned vessel yan. Kung decommissioned yan matagal nang tinanggal yan doon.
A commissioned Navy vessel pag in-attack mo yan maliwanag talagang mag-trigger ng MDT yan. Di lang public vessel kundi talagang PN vessel and commissioned vessel yan.
Dapat nandoon at alagaan natin. Kawawa ang Marine contingent natin doon. Ang huling pagkaalam ko doon at any 1 time may 30 Marine personnel diyan. Kung di 30 days, 60 days ang tour of duty nila.
*****
* POGO:
Senators Did Not Vote to Legalize POGO:
Maraming mga misintepretation. Sinasabi nila bakit may senador at kongresistang ginawang legal ang POGO. Ang POGO is a regulated industry. At ang regulatory body ang Pagcor. Di kailangan na legislated yan. Mali ang pinapakalat ng ilan diyan na itong mga senador na ito ito ang mga bumoto para ma-legalize ang POGO. Di kailangan ng legislation para i-legalize ang POGO. Ang legislation pinasa ng Senado, nandiyan ako sa Senate pero di ako kasama sa bumoto noon kasi wala ako sa floor, nasa office ako, hindi ako umabot nang nag-roll call vote. So wala ako sa listahan ng bumoto.
Ang pinagbotohan doon, ang pag-impose kung magkano ang tax rates na i-impose sa Pagcor-registered POGO operators, hindi ang pag-legalize ng POGO.
Pros and Cons of POGOs:
Maraming pros at maraming cons. Source ng revenue ito sa Pagcor at PCSO. Diyan nanggagaling ang Presidential Social Fund. At ito malaking naitutulong ito. May flexibility ang Presidente ng PH para magbigay ng tulong galing sa PSF o social fund na makukuha sa operation ng Pagcor at PCSO para matulungan directly, di na dadaan sa Kongreso. Kada bang gustong itulong ng Malacanang sa isang sector ng lipunan na kailangang tulungan, hingi ng permiso sa Congress. Samantalang ito may sariling pondo na PSF kaya titimbangin. Dapat lang malinaw talaga ang policy ng govt sa sugal. Kasi kung ipagbabawal ang POGO sasabihin nila ipagbawal lahat ng sugal bakit POGO lang?
Kaya lang napakarami talagang issue rin na hinaharap ang POGO. Nandiyan ang kini-kidnap ang hindi nakakabayad ng utang. Minsan pinapatay pa tino-torture. Sila-sila, Chinese against Chinese yan. Ang (balatay?) niyan sa PH, sa law enforcement natin. Sabi nila maraming kidnapping.
Government Should Review Policy on Gambling:
Dapat review-hin ang policy ng govt sa gambling, pangkalahatan.
*****

