Ping: 2025 Senatorial Bid, Alice Guo, 2025 Budget

In an interview on BNC, former Sen. Ping Lacson answers questions on:
* Running for senator in 2025
* Alice Guo case
* OVP budget

QUOTES and NOTES:

* 2025 SENATORIAL RACE:

“Nabawasan na ang anxiety. Kasi for a long while medyo nag-iisip talaga ako kung tatakbo o hindi. Now it’s finally over, the mulling is over, so here I am.”

“Maraming consideration. Kasi masarap pala ang buhay ng relaxed at medyo walang stress. That’s one. But then pagka naisip lalo ngayon budget season, medyo nami-miss ko yung burning the midnight oil with my staff, so to speak. At saka ang action sa Senado lalo ang pagbalangkas ng budget tulad ng nasabi ko kanina.”

“I think it was May or June this year. Ang isang good friend and supporter ni PBBM relayed to me and to Tito Sen an invitation na kung sakaling tatakbo kami uli sa Senate, kung pwede doon na kami tumicket sa admin. And we were struck by the magnanimity and humility of the President to go out of his way, have his friend talk to us, mag-imbita at sumama sa slate.”

“Nakita ko rin kasi pag nasa outside ka looking in, parang medyo mas mahirap tumulong, mag-fix ng problems. And our country is right now facing numerous problems. And I think I can help fix some problems in a manner I know quite well – ang maging vanguard or guardian ng public funds.”

“Siyempre yan naman talaga ang lagi kong tinututukan for the longest time, ang 18 years ko sa Senado. And even before that, nang nasa PNP ako, ang pagreporma sa sistema. Hindi ang policy kundi ang implementation. I think for the longest time maraming dapat talagang tutukan at bantayan.”

***

* ALICE GUO CASE:

“I just hope na magkaroon na ng logical conclusion sa pamamagitan ng pagbalangkas ng batas kasi in aid of legislation. On the other side, magkaroon ng accountability ang mga dapat managot at magkaroon ng kaso na dapat i-file. Tulad ng ginawa namin sa pag-imbestiga sa PhilHealth nandoon sa Ombudsman, at doon sa Pharmally may nakasuhan. So meron ding napapala sa legislative inquiry in aid of legislation.”

“The same names, the same personalities ang lumalabas. Wala pa naman yan sa government side kundi sabihin natin si Michael Yang lumalabas ang pangalan ng kanyang nakakatandang kapatid si Tony Yang.”

(On the claims of an ex-CPNP helping Guo): “Kinausap ko si Gen Villanueva. Hindi ako mismo; sa isang mistah niya sa PMA at pinatanong ko sino ang sinasabi niyang dating CPNP. Kasi after all dati akong CPNP. Ang naging feedback, hindi niya rin alam at qualify niya na talagang rumor or tsismis lang ang kanyang narinig na may isang dating CPNP na di sinabi, nabanggit kung sino. So I think inamin na rin niya sa pagdinig at nag-apologize.”

“I don’t think (what he did was) fair. Kasi kung walang basehan ang sinasabi sa isang pagdinig, dapat hindi na muna at ito ay pinagbigay alam na lang muna sa nakakaalam, sa intelligence community para mag-validate kung meron mang ganoong balita.”

***

* OVP BUDGET:

“Water under the bridge. Tinanggal na nila, binawasan na nila ng pondo. Ang masasabi ko lang, ito nakagitnan ko na hanggang umalis ako sa Senate, yan pa rin ang practice. May time-honored tradition na ang inter-departmental courtesy binibigay at least sa OP, OVP and even sa judiciary. Pagka may budget hearing sa committee man o sa plenaryo, hindi na halos tinatanong but of course tradition yan na di pwede mapigil ang ibang member ng HOR or Senate na magtanong kung meron silang gustong i-clarify sa paggamit kasi may oversight din. Magsisimula kasi ang budget deliberation sa susunod na taon sa pag-review rin kung paanong ginastos ang budget ng nakaraang taon.”

“Pwede namang both, i-extend ang inter-departmental courtesy at magtanong din ang mga dapat itanong kasi lumabas na ang issue sa paglipat, di lang paggamit kundi paglipat kasi naglipat ang DBM ng so much sa OVP galing sa unprogrammed fund. At ito ay hindi na-realign kundi ibinigay ng DBM. Kasi ang unprogrammed fund, yan ay under sa special purpose fund. Ang paggamit ng SPF, standby appropriations na kung saan kinakailangan ang ahensya o opisina na kailangan i-augment, doon hinuhugot para ibigay kasi SPF yan.”

*****

Discover more from PING LACSON

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading