In an interview on DWAR, Ping Lacson answers questions on:
* Rising tension in politics
* Mary Jane Veloso case
* Review of social service programs
QUOTES and NOTES:
* POLITICAL CEASEFIRE:
“Sa halip na magkaroon ng sulsulan galing sa magkabilang kampo, dapat may proverbial cooler heads na mag-intervene. Kung hindi man magkasundo, magkaroon muna ng ‘tigil putukan’. Mas marami tayong problemang hinaharap,.. kasi katatapos lang ng malalakas na bagyo, maraming mga lugar sa ating bansang nangangailangan ng tulong, pagkatapos tumataas ang presyo ng bilihin, ang peso-dollar exchange rate ang piso nasa 59 na, unprecedented.”
***
* SOCIAL SERVICES PROGRAMS:
“Ang tingin ko lang, parang nasobrahan na natin ang gastusin para sa social services. Ang 4Ps nandiyan na yan, nasa sistema na natin yan. Maganda ang programa ng 4Ps, pantawid pamilya. Nandiyan na, social service yan. Pero nadagdagan ng katakot takot na collateral na social services na kung anong nomenclature o acronym na halos hindi na natin matandaan. At daan-daan bilyong piso na ang kung di papalo ng trillon ang ginagastos pra dito pero para ano? Nakakatulong pero mas hindi nakakatulong kesa nakakatulong dahil parang walang direction.”
“Sana magkaroon talaga ng maayos na database na dapat lang, ang DSWD, DOLE, kasi ito ang involved, ang DOH. Nasaan ang database kung saan dapat puntahan ng AKAP, TUPAD, AICS, ang dapat puntahan para makatulong.”
“At sabi ko nga ang 4Ps para sa akin sapat na yan kasi medyo malawak ang sakop noon. At ang intention ng 4Ps alam naman natin, nakapagaral ng mga anak ng mahirap para makatawid sila, maka-graduate sa program ng 4Ps. Parang walang ganoong klaseng programa ang iba’t ibang social services na pinagmumudmod ng pera. Tapos may mga report pa na may corruption na involved doon kung saan di talaga natatanggap ang halaga na pinirmahan ng mga beneficiaries. Yan ang masama sa lahat.”
“Kung talaga sa investment pupunta, ok yan, dahil may balik yan, may mage-generate na additional revenues in the future na kung saan mababayaran ang utang at the same time meron tayong pagkakakitaan. Pero kung mapunta ito sa walang balik, hindi investment kundi social services, yan ang nakakapaghinayang. Kung ang social services ay makakapag-angat sa kabuhayan ng tinutulungan dahil nakakapagnegosyo sila at ang balik naman noon sa govt in terms of revenues sa taxes at lahat, pero mukhang hindi ganoon kasi wala talagang maayos na pagpaplano.”
“At the very least, i-review. Kung may matuwid naman at may malinaw na database na pinagbabasehan, ok lang yan. At saka anong direction at maging resulta nito? Kung wala tayong hinaharap na resulta at ang ano lang nito makapagbigay, wag naman. Kasi ang tatamaan talaga diyan ang ating pangkalahatan na ekonomiya.”
***
* MARY JANE VELOSO:
“Ang pinanggalingan ng aking post sa X, first and foremost, Pilipino yan. Kung magdusa siya sa bilangguan, at least sa ating bayan. At Pilipino yan, dapat gawan ng paraan para iligtas siya sa kamatayan. Pagdusahan niya ang dapat pagdusahan pero at least wag siya ma-execute sa ibang bansa kasi malungkot. Hindi naman siya talaga ang siya mismo sarili niya drug trafficker at nilagay sa maleta niya, at least ito ang kanyang claim. At nagturo naman siya kung sino ang member ng sindikato na gumamit sa kanya. Ayon naman sa balita inamin ng kanyang naituro. In that regard, parang napaka-unfair naman na ie-execute siya sa Indonesia na wala man lang ginawang paraan ang pamahalaan.”
***
* ELECTIONS:
“Ang kinakabahan ko lang ang bansa natin. Kasi pag ang lider na nahalal, ngayon midterm, local at national, meaning Kongreso, party list, tapos gubernatorial, donw the line. Ang kinakabahan ko lang, kung mali ang nailuklok, ang apektado ang mga bumoto rin at saka ang buong bansa natin, kababayan natin.”
“(Sa ating mga botante) Magmalasakit naman naman tayo sa ating bayan. Yan lang siguro ang dapat nasa loob ng isipan natin pagpunta sa polling booth.”
*****

