Ping Lacson’s Speech at Alyansa Rally in Victorias City

Maayong hapon, Victorias City! Maayong hapon Negros Occidental!

Kami pong 12 na nasa harapan ninyo ngayon ay personal na pinili ng ating PBBM bilang mga kandidato sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas, base sa aming mga karanasan, qualifications, at kakayahan na maglingkod bilang mga senador ng Republika ng Pilipinas. At dahil time slot ko pa naman ngayon, payagan nyo akong ibida ang ilan sa aking mga karanasan, qualifications, at kakayahan bilang lingkod bayan.

Ako po ay nag-graduate sa Philippine Military Academy at naging opisyal ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas. Kalaunan, ako ay nahirang bilang hepe ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas.

Noong ako po ay naging Chief PNP ay agad kong pinatupad ang pagdisiplina at pagreporma sa ating kapulisan. Bawal po ang pulis na malalaki ang tiyan. At bawal ang nagkokotong sa mga taxi driver, sa mga jeepney driver, sa mga tricycle driver, sa mga biyahero ng gulay at mga asukal at mga bigas. At bilang gantinpala sa aking pagreporma at napanumbalik ang tiwala ng ating mamamayan sa mga pulis, ako ay nagantimpalaan na maging senador noong 2001.

At nang ako ay naging senador na, maraming batas ang aking naipasa, di ko na iisa-isahin. Ang aking gusto lang bigyang diin, ako po ang inyong naging bantay sa kaban ng bayan. Ang ating pambansang budget, ito po ang aking tinitingnan na sinasabi kong lifeline ng ating ekonomiya at ng ating bansa. Kaya ako ay masusi at matiyaga na nagbubusisi, nag-scrutinize taon-taon ng ating pambansang budget para sa ganoon masiguradong makarating sa malalayong lugar tulad ng Negros Occidental at Victorias City at mapakinabangan ng ating mga mamamayan.

At kung ako po ay inyong pagbibigyan muli na magsilbi bilang senador ng Republika, isa lang po ang aking maipapangako: hinding hindi ko sasayangin ang inyong boto. At ipagpapatuloy ko ang aking pakikibaka sa katiwalian ng buong tapang, may integridad, at may buong kakayahan.

Yun lang po at maraming salamat po! No. 33 sa balota, Senator Ping Lacson. Maraming salamat po!

*****

Discover more from PING LACSON

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading