
VICTORIAS CITY, Negros Occidental – Former Senator and Philippine National Police chief Panfilo “Ping” M. Lacson was cited by President Ferdinand Marcos Jr. on Friday evening for his role in reforming the PNP.
Mr. Marcos, who spoke at the rally of the Alyansa Para sa Bagong Pilipinas senatorial slate here, said it was during Lacson’s time as PNP chief that the PNP earned its highest approval ratings.
“During Chief PNP Lacson’s time, the PNP earned its highest approval ratings because of his actions. He cleaned and organized the police force so we can all sleep soundly at night,” he said in Filipino.
Related: Pagreporma ni Ping Lacson sa PNP, Pinahanga ang Pangulo
Earlier at the rally, Lacson cited the reforms he instituted in the PNP as part of his “KKK” – Karanasan, Kwalipikasyon, Kakayahan (Experience, Qualifications, Capability) – for the senatorial post in May.
Lacson, who served as PNP chief from 1999 to 2001, purged the police force of misfits including potbellied policemen and “kotong” (mulcting) cops preying on drivers, motorists, and vegetable dealers.
“Under my watch, we got rid of potbellied cops, and kotong cops who preyed on jeepney, taxi and tricycle drivers, as well as dealers of vegetables, sugar and rice,” Lacson said in Filipino.
Lacson added he would continue this no-nonsense brand of public service in the Senate by scrutinizing the national budget.
“If you will entrust me with a Senate seat, I promise you one thing: I will never waste your vote. And I will continue to fight corruption with courage and integrity, to the best of my ability,” he said.
*****
Pagreporma ni Ping Lacson sa PNP, Pinahanga ang Pangulo
VICTORIAS CITY, Negros Occidental – Nakamtan ni dating Senador at Philippine National Police chief Panfilo “Ping” M. Lacson ang paghanga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Biyernes dahil sa kanyang paglinis sa hanay ng kapulisan.
Sa talumpati niya sa rally ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas senatorial slate dito, sinabi ng Pangulo na nakamtan ng PNP ang pinakamataas na approval ratings nito nang nasa pamumuno ni Lacson.
“Kaya noong panahon niya, noong panahon ni Chief PNP Lacson, noong panahon niya, yun lang ang panahon na napakataas, pinakamataas na approval rating ang PNP dahil sa kanyang mga ginawa sa PNP. Inayos, nilinis, na-organize nang mabuti para naman tayo ay makatulog nang mahimbing,” aniya.
Sa rally, nabanggit din ni Lacson ang pagreporma niya sa PNP bilang bahagi ng kanyang “KKK” – Karanasan, Kwalipikasyon, at Kakayahan – para sa pagkasenador.
Noong siya ang hepe ng PNP mula 1999 hanggang 2001, pinurga ni Lacson ang kapulisan ng mga malalaki ang tiyan at mga “kotong cops” na bumibiktima sa mga tsuper, motorista, at biyahero.
“Bawal po ang pulis na malalaki ang tiyan. At bawal ang nagkokotong sa mga taxi driver, sa mga jeepney driver, sa mga tricycle driver, sa mga biyahero ng gulay at mga asukal at mga bigas,” ani Lacson.
Dagdag ni Lacson, itutuloy niya ang kanyang tatak-Lacson na serbisyo publiko sa pamamagitan ng pagbusisi sa pambansang budget.
“At kung ako po ay inyong pagbibigyan muli na magsilbi bilang senador ng Republika, isa lang po ang aking maipapangako: hinding hindi ko sasayangin ang inyong boto. At ipagpapatuloy ko ang aking pakikibaka sa katiwalian ng buong tapang, may integridad, at may buong kakayahan,” aniya.
*****

